SC pt. 2 - GRIM

28 8 0
                                    

~ Grim

Tahimik akong nagpapahinga sa balkonahe habang humihigop ng mainit na kape. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang makalaya ang mga estudyante sa Grifhorst University, kamusta na kaya sila ngayon?

Maingat kong inilapag ang tasa ng kape sa mesa at nang tumunghay ako'y naalala ko ang araw na yon kung saan nakaupo sa harap ko ang lalaking iyon.

"Robie..." pagtawag ko sa kanya habang abala ito sa paglalaro. "Masaya ka ba rito?"

Nakangiti itong tumango-tango at saka nagtatakbong muli sa harap ng mansyon. Kung nandito lang sana si Ash, malamang mag-kaibigan sila ngayon.

Kung hindi dahil sa kagagawan ni Shan ay hindi maghihiwa-hiwalay ang pamilya namin. Hindi sana nawala ang asawa ko. Kasama ko sana ang mag-ina ko.

Napabuntong hininga na lamang ako saka tumayo at pumasok na sa loob ng cabin. Napatigil na lang ako nang makita ang isang vase na puno ng puting rosas. Napangiti ako nang maalala ko ang isa pang lalaking naging parte ng misyong sinimulan ni Robie.

Naalala ko noong kalagitnaan ng kaguluhan sa loob ng GU, hindi ako mapakali kung kaya't pumasok ako roon sa tulong ni Nicks. Binantayan namin ang bawat galaw ng mga taong naroon, nagpapatayan para sa wala. Sa mga oras na yon ay hindi namin makita sina Ash kaya't sinubukan naming pumunta sa magubat na parte ng unibersidad, at doon namin nakita si Nyx na walang malay. Dinala ko siya rito sa cabin. May kaunting tama ito, halata ring hinang-hina ang katawan nito.

"Nasan ako?"

"Gising ka na pala, huwag kang mag-alala nasa ligtas na lugar ka." sagot ko sa kanya ngunit matalim pa rin ang titig nito sa akin.

"Sino ka? Bakit mo ko dinala dito? Kailangan nila ako!" halos magwala na tugon nito. Hindi ko mapigilang mapangiti. Robie, hindi ka nagkamali ng pinili.

"Calm down, Nyx." at pinakita ko sa kanya ang tungkod kong may disenyo ng bungo na gawa sa Ruby. Saka lang umamo ang kanyang mukha.

"Grim?"

"Robie must have been teaching you everything. Good job for you two."

"Panong--"

"No need to know, let me just ask you a favor."

Matiim lamang itong nakatingin sa akin na ani mo'y inaabangan ang susunod kong sasabihin. Kinuha ko ang isang mahabang kahon sa drawer at inabot ito sa kanya.

"Open it." utos ko sa kanya. Nang buksan naman niya iyon ay taka pa rin ito. Isa iyong makinang na baril na katulad ng pinabigay ko kay Saige, ang pinagkaiba lang niyon ay dalawa ang balang kasama niyon.

"Nagtataka ka siguro kung bakit dalawa lang ang bala nyan. It is because it only has two purposes."

Tumigil ako saglit at lumapit sa kama kung saan siya nakaupo.

"First, for Niccoli." nang banggitin ko ang pangalan na yon ay halata ang gulat sa kanyang mukha.

"I need you to kill Niccoli, he knew about this. Nasa loob siya ngayon ng kagubatan kasama ng ilan pang mga alagad ni Rivera, malamang ay naituro na niya kina Ash ang hide out na pinagawa ko roon, and that action requires a reaction, anytime soon malalaman nila ang tungkol doon at huhulihin nila si Nicco, and maybe, just maybe, ay gawin nila itong pain sa inyo, and when that happens, I need you to shoot Niccoli with this gun. I don't want him be killed by any of Rivera's men, you understood?"

Pagkatapos ng mahaba kong eksplanasyon ay tango lamang ang isinagot nito.

"Second, this is special, this is for your brother."

"Axel? Pero--"

"Robie investigated the man under that black cloak, and he is THAT man."

Napatunganga na lamang ang kaharap ko.

"Malamang ay nalason na ni Rivera ang utak ng kapatid mo. Gusto na rin nitong maangkin ang unibersidad na yon kaya't gusto rin niyang patayin si Ash, at ang mga gumagwardya sa kanya. I know this would sound crazy, pero kilala ko si Rivera, matalino siya, after you shoot Nicco, malamang ay matutunugan na niya ang plano, and she will make you go to the main building kung nasaan siya, and I predict that Axel will be there too, I know this is hard for you pero kailangan mo ring patayin si Axel, no matter wha--"

"I'm not hesitating. This is the reason why I insisted Robie to let me join this mission." putol nito sa sasabihin ko.

"I see. Kung ganon, wala tayong problema." mukhang tapos na ang usapan namin, naiintindihan niya ang dapat niyang gawin. Napansin ko naman ang vase ng puting rosas di kalayuan sa akin. Kumuha ako ng isa roon at inabot ito kay Nyx.

"Keep this alive, and put this above his dead body." tumango ito kahit hindi nito alam kung bakit.

My wife's favorite flower is a white rose, and I want her to have the justice she deserve.

"You should go now, kailangan mo nang bumalik sa loob. Malamang ay nag-aalala na sila sayo."

I'm proud of that boy. He handled the mission great. Mukhang na-train siya ng maayos ni Robie, and I'm more proud of that man. Too bad hindi niya kinaya ang pressure.

Inilapag ko ang vase sa may bintana at naupo ako sa couch na nasa harapan niyon. Naagaw naman ng isang picture frame ang aking atensyon.

"You're safe now, baby." bulong ko habang nakatitig sa family picture namin. Sobrang liit pa niya roon, masaya pa kami noon. Kamukhang kamukha niya ang Mommy niya. Gustuhin ko mang magpakita sa kanya ay hindi pa pwede ngayon. Masyado pang sariwa ang kaganapan sa GU.

Ligtas naman siya, naroon si Nyx, si Saige, si Vryll and that lustful man, Lux, oh I'll never forget that stupid guy. He almost died saving his colleague, mabuti na lang at nakita ng ilan ko pang tauhan sa loob ang kawawang bata na yon. That man really amazed me, I won't bother if my baby would marry him someday. I want many grandkids, anyway. Napatawa na lang ako sa ideyang iyon.

I can't wait to meet my baby.

End

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon