Chapter XV

35 10 0
                                    

"Look at her beautiful eyes."

"Yes, she got it from you, hon." sagot ko sa kanya na may halong tuwa nang makita ko ang anim na buwan naming anak.

Kakauwi ko lamang galing sa trabaho ngunit ito na ang bumungad sa akin. Kaya wala sigurong dahilan para mas ma-stress ako ngayong araw.

"She's the prettiest girl I've ever met after you."

"Bolero." saad nito bago tumawa at ihiga sa crib ang anak namin. Tumayo siya at saka umupo sa sofa na nasa gilid ng kwarto.

Bakas sa kanyang mga mata ang pagod kaya minabuti kong yayain na siyang magpahinga. Walang anu-ano'y tumayo na rin siya para humiga sa kama nang may malakas na pagsabog ang nadinig sa labas ng kwarto.

"Hindi ka na makakatakas, Jan Monteliola!" sigaw ng isang babaeng nasa labas. Maingat akong naglakad habang inaalalayan ang asawa ko palapit sa anak namin.

Nang makalapit ay gising ito. Malamang ay dahil ng pagsabog na iyon. Pero hindi siya umiyak.

"My baby's brave." bulong ng asawa ko. Napansin ko ang namamasa niyang mata na nagbabadya nang umiyak.

Hinila ko siya ng bahagya papunta sa book shelf na katapat ng kama namin. Hinanap ko ang isang libro at hinila ito, bumukas naman ang isang hidden door. Pinapasok ko sila doon.

"Kailangan niyong makatakas."

"Paano ka?" naiiyak na tanong nito sa akin. Namamasa na rin ang mga mata ko kaya pinilit kong ngumiti sa mag-ina ko.

"I should do this. Take care of you and our Harley, okay? I will find you after handling this mess." sabi ko sa kanya bago iginiya papasok at isara ang pintuang iyon.

Pumunta ako sa may balcony. Akmang tatalon ako doon nang bumukas ang pinto ng kwarto namin at iniluwa ang isang babaeng may hawak na shotgun. Nakatitig ito sa akin, halata ang galit sa mga mata niya.

"Jan, wala ka nang mapupuntahan." banta nito sa akin. Napahawak ako sa pader nang itutok niya sa akin ang hawak niyang baril.

"You know you don't have to do this."

"Hah! I can't let you, and your family to ruin my success!" sigaw nito na parang nawawala sa katinuan.

Napaatras ako. Naramdaman ko ang butil ng pawis na tumulo mula sa aking noo. Papalapit na siya ng papalapit, nanatiling nakatutok ang mahabang baril na hawak niya.

Sooner or later, I will be dead, and I won't be able to see my wife and daughter again.

Pero hindi ako papayag na sa mga kamay niya magtatapos ang buhay ko. Kaya walang anu-ano'y tumalon ako mula sa balcony. Nakita ko pa ang gulat sa kanyang mukha. Napangiti naman ako ngunit ilang sandali ay may luha nang pumatak mula sa aking mata. Naalala ko ang sinabi ko sa aking mag-ina.

Kirot. Iyon ang naramdaman ko ng tumama ang likod ko sa konkretong sahig na binagsakan ko. Ramdam ko na ilang sandali na lang ay lilisanin ko na ang mundo. Ngunit may napansin akong isang tao sa likod ng isa sa mga column. Nakaitim ito kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Bumibigat na ang talukap ng aking mata. Pipikit na ito ilang segundo pa, napansin kong lumapit sa akin ang taong iyon. At nang makalapit siya'y hinila niya ako papunta sa isang madilim na parte ng bakuran namin.

Akmang pipikit na ang mata ko nang makarinig ako ng sigaw mula sa taas. Sigaw ng isang babae. Natakot ako. Ngunit wala akong kayang gawin sa panahong iyon upang masigurong hindi iyon ang asawa ko.

"Jan, Jan, you're too dumb to be the heir of the great bloodline. A hidden door behind the book shelf, really? Haha! I wish you could hear this but, sadly you took your own life jumping through the--" natigilan ito. Wari ko'y sinilip niya ang pinagbagsakan ko ngunit hindi ako nakita doon.

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon