Special Chapter

34 8 0
                                    

Anim na buwan na ang nakalilipas simula noong araw na iyon. Hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari sa akin ang lahat ng yon. Nasaksihan ko kung paanong isa-isa sa mga kaibigan at mahal ko sa buhay ang namatay dahil sa akin, dahil sa pamilya namin. Ngunit pilit ko nang nililimot iyon. Ngayo'y sa isang "normal" na university na ko nag-aaral and yes, kasama ko pa rin sina Nyx, Saige at Vryll. Ayt, mas masaya sana kung kumpleto pa rin sila hanggang ngayon.

Kaka-dismiss lang ng last class ko at nag-aayos na ko ng gamit ko nang mag-ring ang phone ko. Malamang yung mga kumag na 'to, baka nainip na kakahintay sa parking lot.

"Wait lang kasi nag-aayos na ko ng ga--" nabigla ako nang tanging static noise lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Nang tignan ko kung sino ang caller, wala itong pangalan at tanging anim na numero lang ang nakaflash sa screen — 122124.

Agad kong ibinaba ang tawag saka tinawagan ang number ni Nyx. Nang ma-pick up na niya'y tinanong ko kung nasaan sila.

"Ha? Kala ko uuna na kami?" ang sagot nito sa akin. Ha?

"Ha? Wala naman akong sinabi."

"Nagtext ka kaya." pagkasabi niya non ay agad kong tinignan ang messages ko at wala naman akong nakitang nagtext ako sa kanya ng ganon.

"Nasan ka na ba? Nandito na kami sa café." saad pa ng nasa kabilang linya. Aish. No choice na yata ako.

"Okay sige intayin niyo ko." at binaba ko na ang tawag saka nagmadaling bumaba at pumunta sa parking lot.

Medyo malapit lang naman sa university yung café kaya agad akong nakarating. Habang nasa daan ako kanina ay iniisip ko pa rin kung sino yung tumawag sakin, kinakabahan ako.

"Ayoko pa po mamatay, please. Mahal ko pa po buhay ko. Magbabait na po ako." bulong ko sa sarili ko habang pinapark ang sasakyan ko. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nabangga akong kung ano, at nang silipin ko yon ay bumper pala ng isa pang kotse. Sh*t Bugatti. Pag minamalas ka nga naman oh.

Agad akong bumaba sa sasakyan at ichineck ang bumper ng kotseng nasa harapan. Nang mainspeksyon ko'y wala naman gaanong gasgas.

Nang may tumikhim sa likuran ko.

This.

Is

Not.

Good.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang nakayuko, ang bopols mo naman Ash, natyempuhan ka pa ng may-ari ng Bugatti. Aish

"Please park like a decent human being with some brain cells."

Natigilan ako nang marinig ko iyon, hindi dahil nainsulto ako pero parang ganon na nga pero hindi talaga, yung boses, ano--

Tumunghay ako para makita kung sino ang lalaking yon. Oh, at pag sineswerte ka nga naman talaga.

"Miss me?" tanong nito.

"Hey!" snapped. Ash back to Earth.

"LUX?!!"

"Bakit? May iba pa bang ganito kagwapo sa mundo?" hindi na ko nakapagpigil at niyakap siya agad kahit na ang yabang yabang niya.

"Paanong???"

"Shh, ang mahalaga andito na ko." sabi nito. Ugh, baka naghahallucinate lang ako?

"Hay, you're not hallucinating, okay? Andyan nga sina Nyx oh." sabi niya at tinuro pa sina Nyx na nasa likuran ko na pala. So...

"Alam niyo 'to?"

"Hehe.." tanging sagot sakin ng tatlong ugok. Pisti.

"Pwede mo naman kasing aminin na lang na na-miss mo ko, mahirap ba yon?"

Pag ito nasampal ko, timo 'to.

"Ash?" at may pa-beautiful eyes pa.

Akma ko na siyang sasampalin nang mahuli niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Okay. Maling desisyon.

"Now we can continue that scene before on your bedroom. Remember that? Sa hostel?" ang sabi pa nito habang nakatitig ang nang-aakit nitong mga mata. Nagkamali ka ng hinamon, Mr. Salazar.

"What do you think?" tanong pa nito sa mas nang-aakit na boses.

"Maybe we can go home and then there we can... you know." sagot ko sa MAS nang-aakit na boses bago ko inilayo ang mukha ko sa mukha niyang shookt.

"How about a latté first? Yeah?" alok naman ni Nyx na pumagitan na samin bago pa kami gumawa ng eksena sa labas ng café. Nauna na kong maglakad papasok sa café at naalala ko na naman yung tumawag sakin kanina.

Hanggang sa nakaupo na kami at iniinom na ang mga orders namin, nakatitig lang ako sa call logs sa phone ko.

"Ey, mamaya na phone." saway sakin ni Saige na nasa tapat ko lang.

"May tumawag kasi sakin kanina, ang cree--"

"Oh! Sorry, 'twas me. Just like to prank you or anything so that you kno--"

At hindi na ko nakapagtimpi, tuluyan ng nilamon ng palad ko ang mukha ni Lux.

GB

I dedicate this special chapter to Mae and Rose :*

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon