Chapter XVI

39 10 0
                                    

Nagising ako sa kalagitnaan ng isang sirena. Sirena na bumubulabog sa bawat taong nakaririnig niyon. Ngunit alam kong malayo iyon kung nasaan ako. Nilibot ko ang aking tingin. Nasa isang kwarto ako. Hindi akin. Hindi pamilyar. Napansin ko ang puting pader, pati ang kama'y kulay puti rin. Imposible namang nasa ospital ako di ba?

"Oh, gising ka na pala." dinig kong sabi ng nasa gilid ko. Hindi ko napansin na nakaupo ito sa upuan sa gilid ng kama.

"Nasaan tayo?" tanong ko. Hinanap ko ang iba naming kasama. Ngunit nabigo ako, tanging si Robie lang ang kasama ko sa kwartong iyon.

"We're in a place no one can locate, not even the council." sagot nito sa tanong ko. Nagtataka man, hindi ko na nagawang magtanong ulit dahil lumabas na ito. Naiwan akong mag-isa sa loob.

Walang nakakabit sa aking mga tubo o kung ano pa man, kaya masasabi kong hindi ito ospital, hindi rin mukhang clinic. Dahil mas mukha itong kwarto ng isang simpleng bahay. Susubukan ko na sanang umalis sa kama nang may pumasok sa kwarto, muli kong nakita ang kulay abo niyang buhok.

Our eyes met.

I can sense the coldness in his eyes.

Naupo siya sa isang mahabang sofa malapit sa bintanang may makapal na kurtina, saka kinuha ang isang libro na nakapatong sa maliit na lamesa sa sulok.

Nakarinig ako ng mga ingay na unti-unting lumalakas na para bang papalapit ang mga iyon sa akin. Para itong mga taong nag-uusap. At hindi naman ako nagkamali nang isa-isa kong nakita ang mukha ng pitong lalaking magkakasunod na pumasok.

Isa-isa silang bumati, tinanong kung ayos na ako. Tumango ako bilang sagot. Hindi ko alam kung anong nangyari matapos kong mawalan ng malay kanina. Ngunit pansin ko sa mga suot nilang hindi naging maganda iyon. Bakas ang dumi sa mga damit nila, maputik ang mga pantalon, at magugulo ang mga buhok ng mga iyon.

"Anong nangyari?" hindi ko na natiis na hindi magtanong. Napatingin naman sila sa akin, maging si Nyx na nagbabasa kanina ay napatunghay na rin.

"Mess." sagot ng isang lalaking kakapasok lang ulit. Hawak nito ang isang kahong kulay itim. Binuksan niya ito at tumambad ang makikinang na bagay. Hindi ko iyon lubos na makita sa kislap niyon.

"Robie." tawag sa kanya ng isa, si Polo iyon. Bakas ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nakatingin ito sa hawak ni Robie.

"Guys," panimula niya. "You all know what's the purpose of your stay inside that university, right? And without this," putol niya.

Inilabas nito ang isang kutsilyo mula sa kahon. Iyon pala ang laman non.

"You won't survive a day. That mess earlier, is just the beginning. There's more that you must be prepared of." nang banggitin niya ang mga salitang yon ay bakas sa mukha ng mga lalaking nasa harap ko ang pangamba. Bukod sa isa. Saige?

"Physically and mentally." dagdag pa nito. Nanatili ang titig ko kay Saige. Tila malalim ang iniisip. Hindi alintana ang mga kutsilyong inaabot sa mga kasama niya.

"A skull?" tanong ni Xander na pumukaw sa atensyon ko. Nakita ko rin ang sinasabi nitong bungo na nasa dulo ng bawat kutsilyo.

Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Si Joaquin at Nyx na tamad lang ang tingin na ani mo'y walang pakialam, sina Xander, Polo, Vryll at Jin na may halong kaba ang itsura, si Saige na may bahid ng galit, at si Lux na nakatitig sa akin.

Halata sa kanyang mata ang pag-aalala. Akmang tatayo siya nang maglakad sa unahan niya si Robie. Natabunan ng matipunong likod nito ang isa. Hindi ko na ulit makita ang mukha niya.

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon