Chapter XVII

29 8 0
                                    

~ Lux

Pabalik kami ngayon sa hostel habang naiwan naman si Ash sa hideout na iyon kasama si Robie. Nakakainggit.

Tahimik naming tinatahak ang daan pabalik, sa paraang hindi mapapansin kung saan kami nanggaling. Mukhang hindi naman sila makakahalata dahil nagkalat din ang mga tao sa paligid, lalo na sa may campus ground.

Dahil sa nangyari kanina, nagkagulo ang lahat. Ang iba'y tumakbo palabas ng arena na iyon, ang iba naman ay nanatili dahil takot na may gawin din sa kanila.

Nang barilin sa harap ng lahat ang babaeng iyon kanina, natigil ang lahat, marami ang napaiyak, meron ding nahimatay, tulad na lang ni Ash. Matapos niyang mawalan ng malay ay binuhat agad siya ni Robie at isa-isa kaming lumabas ng arena. Masuwerte kami at hindi kami nahuli, wala ring nakasunod sa amin papunta sa hideout na iyon. Nalaman din naming doon tumitigil si Robie habang nasa hostel kami.

"Attention, students," dinig namin mula sa nagkalat na megaphone sa ground. "Keep safe as the battle begun, starting today, you're living in a survival state."

Matapos niyon ay nawala na ulit ang tinig, nakarating kami sa hostel namin nang walang nakakapansin. Kinandado namin ang mga pinto at bintana gaya ng sabi sa amin ni Robie.

Natipon kami sa sala, ang lahat ay tila malalim ang iniisip. Ganun din ako, sa pagkakaalam ko ay kaya kami nandito para sa college, syempre. Pero hindi.

When he said we will protect Ash inside this university, what's happening today didn't came through my mind. Akala ko naman ilalayo lang namin siya sa mga bullies.

"What could possibly happen next?" umagaw sa atensyon ng lahat ang tanong ni Xander. Nakatitig ito sa kutsilyong ibinigay sa amin kanina.

"This is unfair," sabat ni Jin. Halata ang pagtataka sa mukha ng lahat, tumawa ito ng mahina. "We will die for her? How pathetic, ano ba siya? Prinsesa?" dagdag nito na lalong ikinagulat ng lahat.

"We are assigned in this task, you know tha--"

"Yes, I know! Pero bakit? Pinanganak ba ko para lang masagip siya?" putol nito sa sasabihin sana ni Polo. His thought made me think the same. Bakit nga ba?

"You're so greedy. You represent one of the deadly sins so accurate." sabat ni Saige na hindi man lang tumitingin sa kanya. Nanatili siyang nasa sulok, nakasilip sa bintana, na para bang may hinihintay sa labas.

Natahimik ang lahat. Tanging hininga namin ang naririnig. Tahimik din sa labas. Tila ba nasa isang remote area kami ngayon.

"This scene makes me think we're in a zombie-themed movie." ang sabi ni Joaquin na nagpagaan ng atmosphere. Bahagyang nawala ang kaba sa amin. Ngunit alam namin na mas malala pa sa Walking Dead ang magaganap sa loob ng GU.

Bumalik sa dati ang lahat, bukod kay Saige at Jin. Seryoso silang dalawa sa magkabilang sulok. Ramdam kong yun pa rin ang iniisip ni Jin, samantalang hindi naman ako sigurado sa iniisip ni Saige.

Nakita kong tumayo si Xander at pumunta sa kusina, kaya sumunod ako. Naabutan ko siyang binuksan ang ref at naghanap ng makakain. Gluttony. Now, I'm starting to be aware of their traits. Tama nga si Robie.

"Nagutom din ako." dinig ko mula sa likod ko, it was Joaquin. "Pahingi naman ako nyan." dagdag pa nito nang makaupo sa katabing upuan ng akin.

"Kumuha ka ng sayo." sagot naman sa kanya ni Xander. Naupo na rin ito, sa katapat na upuan ni Joaquin. Tinitigan siya nito ng masama. Hindi pa rin tumatayo.

"Polo," tawag niya kay Polo habang kumukuha rin ng pagkain. "Please?"

"Tumayo ka nga, tamad tamad mo e. Pare-pareho naman tayong pagod." sagot nito. Hmm, Joaquin, Sloth.

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon