"It's been three days since the arson case happened but the campus police still don't have a lead to whom the suspect might be. The only sure thing is that the material used was potassium permanganate." ang sabi ng isang matandang babae na nasa unahan ngayon ng campus ground, na sa tingin ko'y isa sa mga officials ng council dahil sa isang badge na nasa uniporme nito.
"But the question here is, how the suspect got that kind of chemical? All your cooperation to slove this case will be highly appreciated. Dismiss." huling saad ng babae bago bumaba sa plataporma at sinimulang magpaypay gamit ang malaki nitong itim na pamaypay.
Ang lahat ng estudyante ay nagtungo sa kani-kanilang hostels. Tatlong araw na ang nakalipas nang mangyari iyon at tatlong araw na din simula noong makaapak kami sa mga classroom namin. At, tatlong araw na rin simula noong madagdagan ang ingay sa hostel namin.
"Sabi ko naman kasi sayo bantayan mo yung niluluto di ba?" pakinig kong sigaw ng isang nasa kusina.
"Eh nilinis ko nga kasi yung mga kwarto di ba?" sagot naman ng isa pa.
"Eh sino ba kasing nagsabing gawin mo yung trabaho ko?" singit pa ng isa.
"Bahala kayo! Wala tayong kakainin!" pagalit na sigaw ng isa pa.
Living with eight guys and oh, take note that they are all good-looking, might be a heaven for some other girls. But as for me, it's absolutely the opposite, especially they're all stubborn too. Wala sa kanila ang nagpapatalo. Lalo na kung sa larangan ng pagkain ang usapan. Matatayog ang mga pride ng bawat isa. At pag may gusto sila, gagawin nila ang lahat makuha lang nila. Tulad na lamang ng nangyayari sa ngayon, there is Xander, quietly watching his prey, the pork steak in the fridge, then there goes it's owner, a reckless one who won't let anything and anyone touch it, Jin. Who will win? Abangan!
"Hoy! Imbes na nakatunganga ka dyan, magwalis ka!" sigaw ng isang lalaking naka-apron sa harap ko sabay hagis ng matigas at mahabang walis sa akin na tumama naman sa noo ko.
Saglit kong hinawakan ang noo ko dahil sa sakit dulot ng pagkakatama ng walis bago tumayo at nagsimulang walisin ang buong sala. Sa dami ng kasama kong nakatunganga doon, bakit ako pa inutusan ng hinayupak na Saige na yon?
Walang kagana-gana akong natapos sa pagwawalis ng sala nang may mapansin akong kulay itim sa bandang bintana. Nang titigan ko itong mabuti ay saka ko lang napagtantong isa iyong taong nakasuot ng itim na cloak. Akmang tatawagin ko ang isa sa mga lalaking kasama ko sa sala nang mawala ito sa paningin ko. Wala sa sariling napailing ako at nagtungo sa kwarto ko.
~•~
"How many times do I have to tell you? Hindi natin siya pwedeng kupkupin. He's not normal, you knew it." ang saad ng isang babae sa kapatid nito. Mahigit isang oras na silang nagtatalo ng dahil sa batang lalaking inuwi niya sa mansyon.
Nakita niya ang batang tahimik na nakatitig sa isang pusang itim. Nabalot siya ng kuryusidad sa tinuran nito.
Mabilis siyang umiwas ng tingin nang maramdaman nito ang titig sa kanya ng mga mata nitong singkulay ng langit. Malamig ang titig nito. Tila may nais ipahiwatig. Tumindig ang mga balahibo niya nang magsimula siyang maglakad palayo sa bata. Ramdam pa rin niya ang malalim nitong titig.
Agad niyang sinara ang pinto ng kanyang kwarto nang makapasok siya rito. Malamig ang pawis na tumulo mula sa kanyang noo. Nabalot siya ng kaba ng kanyang maalala kung gaano kalamig ang titig ng bata sa kanya.
Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng lamig at pagbigat ng aking hininga. Daig ko pa ang hinabol ng mabangis na hayop sa sobrang hingal ko. Pawisan din ako at tila hinahapo pa. Napakapit ako sa aking dibdib at sinubukang pakalmahin ang mabilis na pagtibok nito.
Bumangon ako para makita kung anong oras na. Wala pa palang isang oras mula noong pumasok ako sa aking kwarto.
Muli akong nahiga at pinakalma ang aking nararamdaman. Muling pumasok sa 'king isipan ang batang lalaki sa panaginip ko. Hindi ko man maalala ang mukha nito, isa lang natandaan kong katangian niya. Ang mga mata niyang singkulay ng langit. At ang titig nitong nagpakaba sa akin.
Pilit kong inaalala ang kanyang mukha ngunit pinasasakit lang nito ang aking ulo.
Nang may kumatok sa pintua'y saka lang bumalik ang diwa ko sa realidad.
"Ash, kung balak mo pa daw kumain?" sigaw ng nasa labas ng pintuan ko.
"Kanina ka ka pa namin tinatawag, hindi ka sumasagot." sabat pa ng isa pang lalaki sa labas.
Hindi ako umimik at tahimik na binuksan ang pintuan saka nilampasan sina Saige at Xander.
Pagpasok ko sa kusina ay naabutan ko roon ang busy-ng si Lux na abala sa pagluluto.
GB
BINABASA MO ANG
Grim's Bloodline [COMPLETED]
Детектив / ТриллерIt all started with a flash of the brightest star in the sky. The world was covered with light for a while as it is slowly fading. It is all dim now. Doomed like no one ever imagined.