Chapter XIV

34 10 0
                                    

"Such a pity." bulong nito.

Hindi ko alam kung kaya kong lumingon dahil sa takot na kung ano o sino ang nasa likod ko.

"Ash!" dinig kong sigaw sa malayo, sa loob ng building. Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko si Nyx na tumatakbo papalapit sa akin.

Nanatili ako sa aking tayo hanggang sa makalapit siya sakin. Nanlalamig ang buo kong katawan at ramdam ko pa rin ang panginginig ko.

"Ba't ka nandito?" tanong nito. Saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumingon sa likod ko. Wala na roon ang kung ano o sino mang kanina ay naroon.

Nang hindi makasagot sa tanong niya'y iginiya na niya ako pabalik sa campus ground. Labag man sa aking isip, nilingon ko ang building na yon.

And I was right, I shouldn't have done that. There, a man in black, stood at the back of the column. Half of his face is visible, I can see his devilish gaze and grin from afar.

Nakabalik kami ni Nyx sa ground, nakapila na ang mga kasama namin, naghihintay ng kung ano mang mangyayari.

Iba't ibang ingay ang maririnig, may mga nagkekwentuhan—nagpupurian ng mga suot nila, ingay na nanggagaling sa malaking orasan, at mga yabag ng mga paparating na estudyante.

Nothing seems unusual until the sky suddenly roared and in a glimpse of an eye, it's dark, the torches was flamed and the Councils begin to emerge from the main building.

"Greetings, students," bati ni Madam Rivera, "You might not know why we're gathered now, and I am pleased to tell that today," putol nito sa kanyang sasabihin.

Sa sandaling iyon, nakita namin ang unti-unting pagtaas ng bakod sa paligid ng campus ground.

"Is the beginning of why you are in Grifhorst University." nang masabi niya iyon ay nagsimula nang magbulungan ang mga estudyante. Naramdaman ko rin ang paglapit sa akin ng mga kasama ko.

"May the battle of the Confréries begin! Hahaha!"

Pagkatapos nitong mabanggit ang huling mga salita, umalingawngaw ang putok ng isang baril sa kalangitan. Nagsimulang magkagulo ang mga tao ganon na rin kami.

"This is it, guys." ang sabi ng isang lalaki sa likuran ko. It was Robie. At saang lupalop kaya to sumulpot?

"Let's work." sagot naman ng isa, si Lux.

"You know how I hate work!" sabat naman ni Joaquin.

"Tsh. Wala naman tayong magagawa, nandito na tayo." ang sabi naman ni Vryll.

"We need to keep her safe." sabat ni Saige. Aw, how sweet. At dahil don, kinabahan ako bigla.

"But first, let me discuss the mechanics." putol ng isang lalaki sa gulong nagaganap sa ibaba nila.

"I am the president of The Council, and I am Axel Carilles." nanatiling tahimik ang paligid. "House members, head to your corresponding spots inside the arena."

May disiplinang naglakad ang mga estudyante patungo sa mga lugar kung saan naka-assign ang mga houses nila.

"Your house's name is in the badges located at the left thigh part of your pants." lumakad ito ng kaunti paunahan upang mas makita ang nasa loob ng ground na ngayon ay arena na.

"And now, let's do a recall. Every house member must be in their location now, a member that isn't, should face a punishment for his own mistake."

Napakapit ako sa kung anong bagay na malapit sa akin. Nagsimula na namang manlamig ang buo kong katawan.

"Emerald Crest." banggit nito sa unang house, nagtaasan naman sila ng kamay, sila ang mga nakasuot ng kulay berde.

"You are now called Magus. Is there any Magus missing?" tanong nito. Nanatiling tahimik ang house na iyon.

Nang walang umimik kung may nawawala, nagpatuloy na si Axel sa pagsasalita.

"Drummond." ang pangalawang house, sila naman ang mga nakakulay dilaw. Ganun din ang ginawa nila, nagtaas ng kamay.

Bahagyang ngumisi ang presidente nang makitang walang pasaway ang hindi nakinig sa utos kanina.

"You are now called Solidus. Now, where's the house of Ardmorth?"

Ardmorth. Ang pangatlong house, dito kami kabilang, and I know that we are called--

"Slayers." seryosong sabi nito, naging seryoso rin ang ekspresyon niya sa sandaling iyon ngunit bumalik din sa dati nitong ekspresyon.

"Next and the last house, hope we don't have any house members missing there. Saddle Ridge?" pagtapos nitong banggitin ang mga salitang iyon, nagsimulang magbulungan ang mga katabi namin.

"Nasan si Chelsea?!" sigaw ng isang babaeng nakasalamin.

Chelsea?

"Nagpaalam, iihi lang daw e." sagot naman ng isa.

"Hmm? Look at this girl gracefully walking across the field."

Nang marinig ang sinabi ng presidente ay nagsimulang magkagulo ang kabilang house. At nang makita kung sino ang babaeng iyon--

"Shit!"

"Ash?"

"Si Chelsea! Siya yung lumapit sakin nung first day!" sagot ko kay Saige na narinig ang pagmumura ko kanina. Halata rin sa kanyang mukha na bahagya siyang kinabahan.

Lahat ng mata ay nakatingin ngayon sa gitna ng arena kung nasaan si Chelsea ngayon. Hinarangan siya ng mga taong nakaitim na nanggaling sa taas, kung nasaan ang Council at iba pang mga nakakataas. Nakita kong bumaba sa kinaroroonan niya si Madam Rivera kasama ang isa pang lalaki. Habang papalapit ito kay Chelsea ay hindi maawat ang mga tao, lalo na ang katabi naming house.

"Well, well, look at this poor girl." ang sabi ni Madam Rivera nang makalapit kay Chelsea. Niyon lang natahimik ang paligid. At naramdaman ko naman ang paghawak sa akin ng dalawa kong kasama.

"What do we do with this defiant being?" tanong nito sa isang tonong hindi ko alam kung sarkastiko o sadyang nakakatakot lang.

"Penalize, madam." sagot naman ng lalaking kasama niya. Nakatakip ang bibig nito ng itim na panyo.

"Penalize, I see." sabi nito ng nakangiti. "Where's my beautiful Fiera?"

"Asleep, madam."

Pakiramdam ko ilang saglit ay mawawalan ako ng malay dahil sa mga nangyayari. Sobrang kaba ang nararamdaman ko at alam kong mas sobra pa ang nararamdaman ni Chelsea na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ni Madam Rivera.

"Oh, ok." sagot ni Madam Rivera.

"Or we can just," at malakas na putok ng baril ang narinig sa buong arena.

Umuusok pa ang bunganga ng baril na hawak ng lalaking kasama ni Madam Rivera nang imulat ko ang mata ko at nakahandusay na ang walang buhay na katawan ni Chelsea sa paanan niya.

"Shit!" pakinig kong sigaw ni Lux na ngayon ay nakatingin sa akin.

Nakikita ko ang mga mata nilang naaawa. Ngunit unti-unti silang lumalabo, lahat ng nasa paligid ko.

"Ash!" tawag sa akin ni Robie na ngayon ay nasa gilid ko na. Bahagya pa niya akong sinasampal bago tuluyan naging itim ang lahat.

~GB~

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon