Chapter XIII

40 11 0
                                    

Nakalipas ang isa, dalawa, tatlo, apat na araw nang ganoon. Hindi pa rin nila kami hinahayaang pumasok sa ni isa sa mga classrooms. Siguro'y hanggang ngayo'y palaisipan pa rin sa kanila ang mga insidenteng nangyari noong nakaraan. If only they know how I miss studying, so overwhelming.

"Hey," awat ng isang lalaki sa aking pag-iisip isip. "Di ka pa nagugutom?"

Umiling lamang ako bilang sagot sa kaniyang tanong. Mag-aalas nuwebe na ng gabi pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa mga patak ng ulang dumadaloy sa bintana. Kailan ba kami huling lumabas?

I sighed before getting up to see myself walking towards my room. Hindi ko ugaling magkulong sa kwarto pero wala ako sa mood para makipagdaldalan sa mga kasama ko sa bahay.

Isinara ko ang pinto bago sumalampak sa kama ko. Wala akong ginawa pero ramdam kong pagod na pagod ako. Pumikit ako para damhin ang malamig na presensya ng kwartong iyon nang maramdaman kong bumukas ang pinto. Tumayo ako para makita kung sino iyon.

"What?" tanong niya na ikinaikot ng mga mata ko.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo?" sabi ko sa kanya bago umupo ulit sa kama ko at kinuha ang unang malapit sa akin.

Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalakad sa kwarto ko. Papalapit sa isang music box na nasa ibabaw ng mini table. Pinihit niya iyon ng ilang beses bago binitawan at mahinang nagsimula ang tugtog niyon. Cold weather, with this kind of music, with a dazzling man roaming around my room, almost gave me a shivering feeling down my spine when his eyes met mine.

"You know," panimula niya habang papalapit sa kinauupuan ko. "You're not just an ordinary girl." sabi nito nang makaupo siya hindi kalayuan sa akin, maybe a feet away.

Hindi gaya kanina, hindi na ako makatingin sa kanya. Ramdam kong pagsisihan ko iyon, kung sakali.

"Because," sabi niya na halos pabulong. "your presence could give me this kind of rage I can't explain."

When he said that, my curious eyes were ready to meet his gaze, but there, beside me, I can see nothing, and there's no sound except the tune coming from the music box and the rain pouring my window.

Did I just dreamt? But I'm sure Saige was here.

Nagising ako sa lakas ng ulan na nanggagaling sa labas. Nang imulat ko ang mata, kita kong madilim pa ang paligid. Dumako naman ang tingin ko sa side table kung nasaan ang orasan, it's just 3 in the morning. Muli ko na sanang ipipikit ang aking mata nang may kumaluskos sa loob ng kwarto.

Napabangon ako dahil doon. Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Wala akong nakitang kung ano o tao sa loob, wala ring hanging pumapasok galing sa bintana dahil nakasara iyon. Sinubukan kong tumayo para mas makita ang buong kwarto. Dahan-dahan akong naglalakad upang di makagawa ng tunog nang biglang may tumalon sa aking harapan.

"Ay palakang kalbo!" tanging naisigaw ko nang dahil doon. Kinuha ko ang phone ko na nasa side table upang ilawan sana ang bagay na iyon.

Ngunit hindi ko pa iyon naaabot nang kumislap ang mga mata niyon dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan.

Umupo akong muli sa aking kama, nakita ko naman ang pusang gumulat sakin kanina na lumapit at humiga sa may hita ko. Nang hawakan ko siya'y wala lang sa kanya, lalo pa nitong pinagsiksikan ang sarili sa katawan ko. Binuhat ko ito papunta sa may unan ko bago ako nahiga. Hindi naman siguro masamang pansamantala ko siyang patulugin dahil umuulan sa labas.

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon