Chapter VIII

57 17 0
                                    


~•~

"Haven't introduced myself clear, by the way I'm Niccoli Crebidilla."

Nakatitig ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko. Noong huli akong nakipagkamay sa kung sino, sa pagkakatanda ko, napagalitan ako.

Nilingon ko ang lalaking nasa tabi ko. Imbes na makitang sinesenyasan niya kong umalis na, nakita kong seryoso siyang nakatitig sa lalaking nasa harapan namin. Ganoon din naman ang isa pang lalaking kasama ko.

Muli kong inilipat ang atensyon ko sa lalaking nasa harap namin. Nakangiti pa rin siya na animo isang mabait at responsableng opisyal ng isang organisasyon sa campus. Well, he might be.

Akmang aabutin ko na ang kamay niya upang makipagkamay nang biglang may marinig kaming sigawan at mga malalakas na yabag na papalapit sa amin. Nang lingunin ko ang kabilang bahagi ng hallway kung saan iyon nagmumula ay nakita ko ang mga bumberong nagmamadaling mapatay ang sunog sa kabilang silid.

"Till we meet again." ang sabi ng lalaking nasa harap namin. Nang tumingin ako sa kanya'y nakapamulsa na ang mga kamay nito habang nakangiti pa rin sa amin. Tumango ito bago tuluyang umalis sa harap naming tatlo.

Aalis na rin sana ako nang may mapansin akong kakaibang amoy sa hangin kasama ng maitim na usok. Agad akong napatakip sa aking ilong ng sandaling iyon.

Huli na nang mapagtanto ko kung bakit ganon na lamang ang sama ng amoy na iyon nang isa sa mga bumbero ang sumigaw na may bangkay sa loob.

Nakita ko na lamang na naglalakad palapit sa silid na pinagmulan ng sunog ang dalawa kong kasama. Aba, mga chismoso.

Sumunod ako sa kanila habang takip ko pa rin ang ilong ko. Habang lumalapit kami ay lalo kong naaamoy ang nasunog na bangkay na para bang tumatagos maging sa panyong nakatakip sa ilong ko.

"Students are not allowed at the scene. Sa nakikita niyo, may insidenteng nangyari. You may contaminate the scene. Marapat lang na ipaubaya ito sa mga katulad namin." sabi ng isa sa mga bumberong naroon at hinarangan kami bago pa kami makalapit sa mismong bukana ng silid.

"Sir, walang hinihinalang bagay na maaaring pagmulan ng sunog maliban sa cellphone na nakacharge na sinasabi ng mga estudyanteng narito bago magkaroon ng apoy." pakinig naming balita ng isang lalaking nakauniporme sa isang medyo may edad nang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, sila ang mga police officers na in-charge sa area ng university.

"Kung ganoon, masasabing aksidente ang nangyari." komento ng may edad na lalaki sa sinabi ng isa.

"No. This can't be just a simple fire accident." saad naman ng bagong dating na lalaking naka-sunglasses. Nakita kong nabigla ang mga officers pati na rin ang dalawa kong kasama.

Dahan-dahan nitong tinanggal ang sunglasses na suot niya. Tila biglang bumagal ang takbo ng oras ng sandaling iyon. Unti-unti, nakikita ko ang singkit niyang mga mata at ang mahahaba niyang pilik. Napansin ko rin ang tamang pagkakapal ng kilay niya. What's wrong with me? Then his nose. His fine pointed nose. It matches his pinkish lips. Dahan-dahan, nilingon niya ang direksyon kung nasaan kami. Then our eyes locked at each other's. Sandaling tumigil ang mundo ko.

"This is an arson case." sabi nito sa chief police na naroon din sa labas ng silid na siya namang gumising sa diwa ko. Halatang nabigla ito sa sinabi ng lalaki.

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon