Chapter XII

50 12 0
                                    

A/N: Hello mga mahal! Hehe. So yun nga hindi din makapag-update yung isa dyan ._. so i'm baaaaack!

"Don't be so bothered about this thing. Ni hindi mo nga alam kung anong nangyari." dinig kong sabi ng babae mula sa likod ng pintong kinasasandalan ko.

"You never really listened to me, Hazy. I know what happened. Alam mong marami akong matang nakasubaybay sa bawat galaw ninyo." sagot naman ng lalaking kausap niya. Sa tingin ko'y dito na talaga magtatapos ang lahat.

"This family will never be the same." ang sabi naman ng lalaki na parang nawawala na sa sarili.

"Yes, I know. And that is because of you and that stupid brain of yours!" sigaw ng babae bago ko narinig ang isang malakas na putok ng baril.

Napangiti ako ng bahagya nang mapagtantong dumating na ang pinakahihintay kong araw. Ang araw na mawawala ang taong lubos na nagpahirap sa amin ng aking ina.

My grandfather was once a General. He's one of the members of the troop who faught in the World War II.

Nang natapos ang gyera ay bigla na lamang itong nagbago. Madalas na itong sumigaw at magalit ng walang dahilan. Kaya halos lahat ng katulong at iba pang kasama namin sa bahay ay umalis na. Hanggang sa kami na lang ni Mommy ang natira.

I'm just 13. But rage runs through my veins. Maybe because of this scenarios, or maybe it's just who I am.

Binuksan ko ang pintong sinasandalan ko kanina. Nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang lolo ko nang sumilip ako. Napansin ng aking ina na naroon ako at nakatingin sa nangyari. Matamis siyang ngumiti sa akin bago itinapat ang baril sa kanyang sintido. Papalapit palang ako'y umalingawngaw na sa buong bahay ang malakas na putok ng baril na nagtapos sa buhay niya.

7 years have passed, pero malinaw pa rin sa aking isipan ang mga nangyari noon. Ang putok ng baril. Ang nagkalat na dugo sa sahig. Ang malamig nilang bangkay. Nakatatak pa rin saking isipan.

Ngayong ulila na ako at tanging ang kompanyang naiwan ni Mommy na lang ang tumutulong sa akin para makausad sa buhay, wala akong maaaring gawin kundi pagbutihin ang pamamalakad niyon.

I was sitting on my swivel chair when the secretary knocks and told me there's someone who wanted to talk to me. When I nodded, a man in a black suit came in. I think he's in his 20's. He looks professional and... intimidating.

"Mr. Jimenez." tawag nito sa aking apelido. Apelidong nagpapaalala sa mahigpit kong lolo.

Nang magtama ang aming mata'y nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan. Hindi ko alam pero parang nangilabot din ako sa awra niya. Same as my grandfather's.

Lumakad ito papalapit sa aking desk at inilapag ang isang itim na envelope sa ibabaw. Nag-aalangang kinuha ko ito at binuksan. Nang makita kung ano ang nasa loob, agad akong napatingin sa kanya.

"This is bullshit." saad ko. Hindi ako fan ng mga action movie kaya hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari.

Hindi ito umimik at humakbang na papalayo sa akin. Palabas ng opisina ko.

Huminto ito nang nasa may pintuan na bago muling humarap sa akin.

"Let me know your decision in 3 days." sabi nito bago lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong nakatunganga.

Grim's Bloodline [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon