It's already 11 in the evening, still awake. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makatulog. Ramdam kong bumibigat na ang mga talukap ng mata ko ngunit hindi pa rin ako makatulog.
Nakatitig lamang ako sa kisame ng kwarto namin, hindi alam kung anong gagawin. Knowing there might be another tragic day tomorrow, hindi ko alam kung dapat bang hindi na ko matulog. Kailangan ko ng lakas, kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Lalo na ngayong alam naming maaaring mapahamak si Ash ano mang oras.
"Lux," napabaling ako sa kabilang kama. Kita kong papikit-pikit na nakatingin sa akin si Nyx.
"Oh?"
"Ba't gising ka pa?" tanong nito bago bumangon at naupo sa kanyang kama. Walang emosyon niya akong tinitigan muli.
"Can't sleep." sagot ko at naupo rin. Napalingon ako sa isa pang kama sa kaliwa ko at nakitang mahimbing na natutulog si Joaquin. Sana all.
"Insomnia? Subukan mo inumin yung gamot na binigay sakin ni Ro--" hindi niya natapos ang sasabihin nang makarinig kami ng kalabog sa labas. Sabay kaming napalingon sa pinto at walang pag-aalinlangang lumabas sa kwarto at hinanap kung saan nanggaling ang tunog na iyon.
Dahan-dahan akong naglalakad, ganon din si Nyx na nasa likod ko at may hawak na baseball bat na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
Tanging liwanag na nanggagaling sa bintana sa sala ang nagsilbing ilaw namin. Wala akong nakikitang kung ano o sino. Tumigil ako nang nasa harap na kami ng pinto ng kwarto ni Ash. Akmang hahawakan ko na ang seradura ng pinto nang marinig muli ang kalabog. Nanggaling iyon sa kusina kaya dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Sinenyasan ko naman si Nyx na manatili roon para masigurong walang papasok sa kwarto ni Ash.
Nang nasa arko na ako ng kusina ay natigilan ako nang may makitang taong nakaluhod sa sahig. Hindi ko gaanong makita ang mukha nito dahil madilim sa parteng iyon at nahaharangan din ng counter.
Tahimik akong lumapit at kinuha ang vase malapit sa akin. Naririnig ko ang mabibigat nitong paghinga na ani mo'y kinakapos na.
Natigil ako sa paglalakad nang makilala kung sino ang taong iyon. Ibinaba ko ang hawak kong vase at lumapit sa kanya. Akmang hahawakan ko ang kanyang magkabilang balikat nang mapagtanto kung anong ginagawa niya.
"What the fuck?!" halos pasigaw na bulong ko at lumayo ng kaunti sa kanya. Hindi ito lumingon sa akin at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Napansin nito ang vase na ibinaba ko di kalayuan at kinuha iyon bago inihampas sa taong nasa ilalim niya.
"This man tried to steal a knife and maybe kill someone here." saad ni Saige nang makatayo at makalayo ng kaunti sa lalaking nakahandusay sa sahig.
"Lumabas ako para sana uminom nang mapansin kong may tao rito sa kusina." kwento niya. Nakatitig pa rin ako sa lalaki. May dugo ang mukha nito dahil sa nabasag na vase.
"Ano yung nabasag?" dinig kong tanong ni Nyx na kakapasok lang sa kusina. Nilingon naman siya ni Saige. Natigil siya sa paglalakad nang makita ang lalaki sa sahig ngunit walang bahid ng gulat sa mukha niya.
"Nakita ko ngang bukas yung isang bintana sa sala." saad nito. "Kaya dumiretso ako rito nung narinig kong may nabasag." dagdag pa niya.
"Kung ano mang pinaplano ng lalaking ito ay buti na lang hindi natuloy." sabat ko. Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
Ilang minuto nang mangyari iyon ay dumating si Robie. Tinawag ito ng kapatid niya, ginising na rin namin ang iba pa naming kasama. Maliban kay Ash.
"Akala ko nga si Ash lang yon, nahulog sa kama." ang sabi ni Nyx na seryoso ang mukha. Hindi ko alam kung nagloloko siya o ano.
"That's brave of you, Saige." puri sa kanya ni Robie. Nilingon lang siya nito at tumango.
BINABASA MO ANG
Grim's Bloodline [COMPLETED]
Mystery / ThrillerIt all started with a flash of the brightest star in the sky. The world was covered with light for a while as it is slowly fading. It is all dim now. Doomed like no one ever imagined.