No. 4

2.3K 22 3
                                    

" GRAD-WAITING "

ni: Rey Christian S. Las Piñas

Naghihintay ka din ba?
Umaasa ka din ba?
Sigurado ka na bang makakapagtapos ka?
Sa tingin mo pasado ka?
Yung hindi na baleng hindi mataas ang marka
Basta lahat nang subject ay pasa.

Yung makapag pictorial para sa year book na ibibigay nila
At ika'y mag-aayos at todo postura
Mga lalaking magpapagupit
Para dating ay mas malupit
At mga babaeng maglalagay nang kolorete sa mukha
Para mas mukhang kaaya-aya
At maganda pag harap na sa camera.

Handa ka na bang isuot ang iyong mga ngiti
Ngiti na lahat nang pagod at paghihirap mo'y pinapawi
Yung ngiti na walang katumbas na kahit anong salapi
Yung ngiti na abot hanggang langit
Yung ngiting hindi pilit
Yung ngiting walang humpay
At yung ngiting TAGUMPAY.

Nakikita mo na bang suot suot mo ang iyong toga?
Habang tinatawag ang pangalan mo
At ika'y papalapit sa entablado
Kasama ang mga magulang mo
Na sobrang saya at proud na proud na sayo
Sapagkat lahat nang pagod nila'y pinawi mo
Lalo na ang kanilang mga sakripisyo.

Handa ka bang makatanggap nang medalya
Dahil sa iyong karunungan
Karunungan sa iba't ibang larangan
At isasabit ng iyong mga magulang
Yung magulang mong magiging emosyonal nalang
Sa galak na kanilang nararamdaman.

Sa ilang taon na iyong kinaya
Kinayang manghiram ng pluma
At manghingi nang papel sa kasama
Kunwari walang dala,
Sa umpisa palang di naman talaga nagdadala.

Subalit lahat kinaya
Lahat nang pagpupuyat
Yung kahit walang tulog pa
Dahil exam pagka-umaga
Wala ka namang puwedeng kopyahan
Dahil yung exam ay Set A at Set B naman
Kung hindi, ay one seat apart naman.

Malapit na
Bilang nalang ang mga araw na natitira
Naghihintay ka din ba?
Umaasa ka din ba?
Sa tingin mo pasado ka?
Sigurado ka na bang makakapagtapos ka?
Handa ka na bang makuha
At mahawakan ang inaasam mong diploma?

Hindi paman sigurado
Kailangan natin maging positibo
Bawal magisip nang negatibo
LALABAN TAYO
PAPASA TAYO
AT MAGTATAPOS TAYO.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon