No. 30

646 5 0
                                    

“Nanay na si Nene,Tatay na si Totoy”
ni Matt Fernandez

“Bago mo husgahan ang aking pagiging Batang Ina,Husgahan mo muna ang mga Ina na pumatay ng sariling anak matawag lamang na dalaga”

Katagang pumukaw sa akin sa social media,
Pero teka!
Ano bang naramdaman mo Nene pagtapos ng sarap?
Inisip mo man lang ba ang kaakibat nitong hirap?

Malamang nito ikaw ay masaya,
Sa dinadami-dami ng pagsusulit sa eskwela,
“Pregnancy Test” pa ang iyong naipasa.

Nagpadala ka sa iyong kapusukan,
Di mo man lang inisip ang iyong kinabukasan,
Pinagpalit mo ang iyong pangarap,
Saan? sa panandaliang sarap?

At Ikaw naman pare,
Malamang nito tatakbuhan mo na lang din siya at iiwan sa ere.

Ano bang pakiramdam na ginawa mo siyang parausan?

Tapos mawawala ka na lamang ng parang bula sapagkat napunan na ang iyong init ng katawan.

Pinutok mo sa loob,
Pero hindi mo hinintay ang anak mong lumabas.

Sana alam mo kung paano labasan ang iyong pinasukan,
Hindi naman ito larong kalye na kung ayaw mo na pwede ng mag-uwian.

Alam ko pare dalawa ang ating ulo,
Pero huwag naman natin ito patigasin pareho.

Sana naman Totoy bago mo siya hiniga sa kama,
Inisip mo muna kung handa ka ng maging ama.

Sana naman Totoy bago mo siya hubaran,
Alam mo rin kung paano sila bihisan.

Sana naman Totoy bago ka magindayog pababa at pataas,
Inisip mo muna kung kinabukasan ba may pambili ka ba ng gatas.

At sana naman Totoy pagkatapos mapunan ang iyong init ng katawan,
Eh alam mo pa rin ang salitang “PANININDIGAN”

Hindi biro ang pagbuo ng pamilya,
Marami d'yan anak ng anak hindi naman pala kaya.

Huwag mong sayangin ang sakripisyo ng iyong ama't ina,
Huwag mo itong ipagpalit sa panandaliang ligaya na ikaw din ang magdurusa.

Piliin mong hawakan ang lapis at papel,
Keysa ang gatas at lapel,
Piliin mong matulog ng maaga,
Keysa matulog ng umaga sa pagpapagatas at pagtitimpla,
Piliin mong magdala ng mga libro na nagsasabing ika'y edukado,
Keysa sanggol na maghuhusga sa iyo at magsasabi sa iyo na marumi kang tao.

Tapos na ang buhay mo sa pagiging dalaga at binata,
Dahil ngayon matututo ka kung paano mag-alaga ng bata.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon