No. 6

1.9K 7 3
                                    

PARA SA HULING LALAKI NA AKING MAMAHALIN

Ni The MCRG
(In reply to Nesutaa)

1.Matakaw ako. Wala ka naman sigurong problema sa kain kong sing lakas ng kalabaw.

2. Huwag kang mag-alala, dahil hindi ko hahayaang ikaw ang magtahi ng pira-piraso kong puso sapagkat bubuohin ko na ito bago pa tayo magtagpo.

3. Hindi ako matatakot kung ikaw ang kasama ko. Ang tanging pangamba ko lang ay ang iwan mo ako kung kailan nahulog na ako ng todo.

4. Hindi ako materyalosa ngunit aaminin kong gusto ko rin ng sinusurpresa.

5. Kung ikaw ay napapaligiran ng sandamakmak na kababaihan, alalahanin mo sanang sa akin mo ibinigay ang pangakong walang hanggan.

6. Hindi ako mahilig magbasa ngunit kung ikaw ang magsusulat kahit isang libong libro sisiyasatin kong wagas.

7. Kahit hindi ka sikat, mapera o mukhang artista araw-raw kitang hahangaan kung busilak ang iyong kalooban.

8. Nais kong makarinig ng awit mula sa iyo kahit na hindi mo makuha ang tono ang mahalaga ay bihag mo ang puso ko.

9. Tuturuan kitang sumayaw, at sabay tayong iindak sa saliw ng musikang ating pagsasaluhan.

10. Bibigyan kita ng pribadong buhay ngunit mahal ipangako mong sa akin ika'y tapat at tunay.

11. Ikaw ang gagawin kong inspirasyon sa lahat ng mga pangarap na nais kong maabot.

12. Pinili kita dahil naramdaman kong mas mahal mo ang Panginoon higit sa lahat pangalawa ang iyong mga magulang, ngunit sanay ako ang pangatlo.

13. Kung ako ang mamahalin mo, ipinapangako kong ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa ang buhay ko ay magwakas sa mundong ito.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon