No. 19

876 10 0
                                    

"NAGMAHAL AKO NG TAONG NASA IBANG SECTION"

Nakakatuwang isipin, kung paano ka ipinakilala ng tadhana sa akin
Walang pagkakakilanlan, walang pangalan
At ang naging tagpuan ay ang ating paaralan

Naging saksi ang bawat gusali
Sa kung paano ko sinusulit ang bawat sandali
Sa kung paano ko ninanais na makita kang muli
Nasaksihan ng ating paaralan
Kung paano kita inaabangan
Sa mga daanan na maaari mong lakaran
Sa kung paano ako nananabik na ika'y matitigan
At doon, minahal kita sa mga sulyap na nakaw
Sa mga panandaliang tanaw
Dahil malayo ang distansya ng ating mga silid
Narito ako, naghihintay sa gilid-gilid
Inaantay kita, hinahanap-hanap kita
Binubuo mo ang araw ko kaya nais kitang makita
Ikaw, na naging paborito ng aking mga mata
Maging ng mga linya sa aking mga tula at kanta
Nagmahal ako ng palihim
Tila aninong nagtatago sa dilim
Minahal ka ng aking mga mata
Madalas mong nakakasabay ang mga matang ito
Sa iba't ibang kanto at sari-saring anggulo
Sa panibagong istorya ng aking mga kwento
Nagmamasid sayo, kasa-kasama mo

Ngunit katulad ng ating kinabibilangang pangkat,
Ikaw at ako ay mananatiling magkasalungat
Katulad ng pagmamahal ko sa taong nasa ibang section
Mananatiling magkaiba ang aming direksyon
Maaaring pareho ang daan na aming tinatapakan
Ngunit magkaiba ang landas na aming patutunguhan
Maaaring napapangiti mo ako
Ngunit may iba namang nagpapangiti sayo
At pagdating sa dulo ng istoryang ito,
Mapapagod din ang mga matang ito na magbantay
Na mag-hintay
At maging kasama mo sa paglalakbay
Dahil sa sakit ng katotohanang lalatay
Na sa panaginip lang talaga tayo magkakasabay

Kapag nagmahal ka ng taong hindi mo kilala
At malayo ang distansya sa pagitan nyong dalawa,
Mananatili na lamang syang paborito ng mata
At ang puso mo'y masasawa rin na tumitig sa kanya

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon