No. 18

902 15 1
                                    

"To My Future Sandy"
by: Xia Lavender

Kapag ako naging si Spongebob,
Dadalhin kita sa Krusty Krab,
Ipagluluto ng Krabby Patty,
Ituturing kitang parang si Sandy.
Ipaglalaban kahit kay Garry,
Sipitin man ako ng lobster na si Larry.
Kahit itanong mo pa kay Patrick,
'Tong love ko sa 'yo hindi lang magic trick.
Lilibutin ko ang buong Bikini Bottom,
Dahil ako ang bulaklak at ikaw ang nawawala kong blossom,
Sabay nating pagmamasdan ang mga Jelly fish,
Habang nagsisilisawan ang mga star fish.
Okay lang maging si Squidward,
Basta ikaw ang flute na magsisilbing aking award.
Hindi kita ibibigay kay Plankton,
Kung ikaw ang secret formula na hinahanap niya ngayon,
Makikipag-espadahan ako kay Mr. Krabs,
Kung ikaw ang pera na kaniyang labs.
Hindi man ako si Spongebob who lives in Pineapple under the sea,
Hindi kasing hyper niya like a bubble bee.
Hindi man ako 'yong guy that something you wish,
Pero sisisirin ko ang puso mo like a fish.
Sasamahan kita through the pain,
Dahil ako ang alipin mo… at sa 'yo ko lang sasambitin ang katagang ''Aye! Aye! Captain!"

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon