No. 37

609 3 0
                                    

ANG AKING INSPIRASYON,
NASA AMING SEKSYON
Ni: Francheska Dela Cruz

Unang araw sa eskwela,
Tagpo na hindi ko inaakala,
Ikaw kaagad ang unang nakita,
Nang mga mata natin ay magtama,
Umusbong ang sa iyo'y paghanga.
Minsan ako'y nahihiya,
Dahil ang aking hinahangaan
Kaklase ko pa.
Paano kapag hindi ko nasagot ang tanong sa matematika?
O mababa ako sa quiz o kaya'y bokya,
Ako ba'y pagtatawanan mo kaya?
Nakakatuwa ngunit nakakakaba,
Ingat na ingat sa bawat kilos ko't gawa,
Baka pag nagkamali, ako'y mapahiya,
At sa iyo'y magmukha lamang akong katawa-tawa.
Ganadong-ganado sa t'wing gigising sa umaga,
Syempre ikaw ang naghihintay sa tabi ng aking silya.
Ang boses mo ang naging paborito kong kanta,
Sa t'wing binibigkas mo ang aking ngalan-
Ito'y gumaganda.
Ang mga ngiti mo ang nagsilbing pampagana,
Tuwing sumasakit ang aking ulo kahahanap sa 'x' na hindi makita-kita.
Kung noon ay tamad na tamad akong pumasok sa eskwela,
Ngayon naman ay tila ayaw ko nang umuwi at doon na lamang tumira,
Dahil doon lamang kita matagal na nakakasama.
Sa ingay ng aking mga barkada,
Ayan tuloy nalaman mo na,
Abot langit ang kaba dahil batid mo na,
Natatakot dahil baka hindi mo ako gusto at umiwas ka.
Para sayo'y wala lang ang aking paghanga,
Wala ka namang sinabi na "ayaw ko sa 'yo" o kaya naman ay "Gusto din kita".
Wala.
Iisa ang eskwelahang pinapasukan,
Iisa ang pasilyong dinaraanan,
Iisa din ang seksyong kinabibilangan,
Ngunit iisa din kaya ang ating nararamdaman?
Hindi na dapat ako magreklamo ng kung ano ano,
Dapat ay magpasalamat na lamang ako,
Dahil ang aking inspirasyon,
Nasa aming seksyon.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon