No. 22

830 12 0
                                    

"Sa Bilang Ng Lima Kakalimutan Na Kita"
Ni: Allen Ronn Garcia

Isa, nag-aalangan pa kung kakayanin ba talaga
Pipigilan ang sarili na manabik sayo sinta
Tatanggapin na ang mga oras na kasama kita ay mananatili na lamang mga ala-ala
Dahil ang ikaw at ako ay pinagtagpo ngunit hindi itinadhana

Dalawa, buo na ang aking pasya
Ang mga tula ko para sa'yo ay pupunitin ko na
Ito na ang huling piyesa na binuo kong kasama ng mga luha
Dahil ang mahalin mo ako ng pabalik ay isa lamang pantasya

Tatlo, ang pusong iyong winasak ay susubukan kong muling mabuo
Wala ng mangungulit sayo na magpapasakit pa ng iyong ulo
Patawad kung 'di ko matutupad ang ipinangakong pag-ibig na hanggang dulo
Akala ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo ay malabo na mapagod ako

Apat, salamat sa lahat
Patawad kung ang pag-ibig na inialay ko sa'yo ay hindi naging sapat
Sa malawak na himpapawid ay mag-isa na lamang akong lilipad
Wala naman akong magagawa dahil magkaiba ang mga guhit sa ating palad

Lima, isang huling lingon sayo bago ako tuluyang lumipad ng mag isa
Hindi kana muli pang mapipilitang magsabi ng mga katagang "Mahal din kita"
Mapapalitan na ng "Mahal kita pero" ang dating "Pero mahal kita"
Ngunit sinta, huwag kang mag-alala, hindi kita isusumpa
Hihilingin kay bathala na bigyan ka niya ng tao na sa iyo'y tunay na magpapaligaya.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon