No. 11

1.3K 2 0
                                    

Naiipit ako
Isinulat ni: Jeremiah John Colitoy

Naiipit ako sa sitwasyon na kung saan ang ikaw at ako ay hindi maintindihan ang bawat kagustuhan sa pagitan nating dalawa dahil alam ko naman na mas tama ang mga sinasabi mo at mali ako ... Naiipit ako

Naiipit ako sa mga sitwasyon na ang ikaw at ako ay may mga gusto sa buhay na hindi mo naman aprubado na magiging dahilan lang ng pagkaka gulo ar hindi pagkaka sundo ng ating mga pananaw sa buhay mo at buhay ko, dahil naiipit ako ...

Naiipit ako sa mga sitwasyon na ikaw at ako ay halos mag patayan na sa simpleng bagay na ginagawa mong komplikado kaya iniwan mo ko at sinabi mo ayoko na naiipit ako...

Naiipit ako sa mga sitwasyon na ang ikaw at ako ay hindi nagka tagpo lumipas man ang araw, buwan taon, parati ko pa din iniisip ang mga bagay na nakapag pahalaga sa ikaw, ako at tayo...

Naiipit ako sa mga sitwasyong na ang ako at ikaw ay hindi na mag kukrus pa ng landas dahil sa huli wala ng ako at ikaw na lagi kong tinatawag na akin ...

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon