No. 32

619 2 0
                                    

" Kung sakali mang susuko ka na. "
Gawa ni: Yra

Kung sakali mang susuko ka na sa relasyon nating dalawa,
Pakiusap, bigyan mo ako ng sapat na rason para palayain kita.
Gusto kong marinig ang salitang – Naging masaya ako sa’yo,
Ayokong marinig ang salitang- patawarin mo ako.
Pagkat pumasok tayo sa relasyon upang maging  masaya,
Hindi para magsisihan ng kasalanang ating ginawa.
Gusto ko ring marining ang salita- Naging sapat ka.
Ayokong marinig ang katagang – kasalanan ko kaya nagkaganito tayong dalawa.
Walang may kasalanan, pagkat pareho tayong nagkulang.
Walang bibitaw kung walang may kumalas.
Mahal kita, at gusto kong sumaya ka.
Pero paano ako kung iiwan mo ako?
Sayo lang naman ako naging masaya, sa piling mo.
Mahal, baka  sakaling magbago pa ang isip mo,
Yayakapin ulit kita nang mahigpit,
Hahawakan ko ulit ang iyong mga kamay gaya ng dati,
Mahal pakiusap, isa pang pagkakataon..
Maayos pa natin ‘to.
Pagsubok lang to mahal.
Mahal, hawakan mo ulit ang kamay ko,
Mahal, yakapin mo naman ulit ako.
Mahal, pakiusap pagod ka lang, hindi ka susuko.
Mahal, lalaban tayo hanggang dulo diba?
Magkasama tayong lalaban diba?
Mahal, maayos pa natin tong dalawa.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon