No. 40

789 3 0
                                    

"Bes, 'Pag Kayo Na"
Ni Ms. Tsokulit

Bes, 'pag kayo na...
Sa aki'y 'wag kang mag-alala
Ayos lang ako, ano ka ba!
Pangako, ako'y  magiging masaya.

Bes, 'pag kayo na...
Siguradong ika'y matutuwa
Dahil noon pa lang, pangarap mo na siya
Hindi pa man tayo magkakilala.

Bes, 'pag kayo na...
'Di na 'ko tututol pa
Dahil kung saan ka masaya
Ay siya ring aking ligaya.

Ngunit kapag kayo na...
Itatago ko ang aking pagluha
Dahil kaya kong magpaubaya,
Huwag ka lamang mawala.

Kaya sana, 'pag kayo na...
Ay maging matatag kayong dalawa
Dahil ayaw kong pagsisihan
Na hindi kita ipinaglaban.

Bes, 'pag kayo na....
'Di mo na malalaman pa
Na mahal kita higit sa kaibigan
Dahil kaligayahan mo'y 'di ko kayang hadlangan.

Hindi na ako magtatapat...
Dahil ayokong magkalamat
Ang pagkakaibigan natin
At ito'y sapat na sa akin.

Bes 'pag kayo na...
'Wag mo naman akong kalimutan bigla
Dahan-dahan lang sana...
Baka kasi hindi ko makaya.

Ngunit kapag nalimot mo na ako...
Hinding-hindi ako mawawala sa 'yo
Dahil kahit na maging kayo
Nandito pa rin ako bilang kaibigan mo.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon