No. 17

956 4 0
                                    

"Isa lang dapat"

- Rahani Ayela Brizal

Mahal, nandito na naman tayo sa parte ng ating kwento na kung saan hahakbang na naman ako papalayo.
Papalayo na kahit kailan hindi na lilingon at babalik pa
Dahil mahal pinapalaya na kita hindi dahil ako'y nagsawa na kundi dahil hindi na ako ang tinitibok niyan kundi siya na.

Panibagong araw na naman para sa pag-iibigan nating dalawa
Panibagong karanasan na naman at bagong kabanata para sa ating dalawa
Akala ko ay magiging masaya ang araw na ito
Nagkakamali pala ako
Dahil mahal ang araw na ito ang katapusan ng pag iibigang ito at kasabay ng pag gunaw ng aking mundo.

"Pasensya na pero pagod nako"
Ang tanging salitang lumabas sa bibig mo
Mahal, ako din naman pagod na pagod na pero hindi ako sumuko
Mahal, pagod ka na nga ba? O baka may iba na?

Kaya ba nung mga panahong kailangan kita wala ka?
Kaya ba nung mga panahong tinatawagan kita hindi ka sumasagot?
Kaya ba ginagabi ka ng umuwi sa inyo dahil kasama mo siya?
Kaya ba kay daling iwan mo'ko dahil may siya na pumalit na sa dating pwesto ko diyan sa puso mo?

"Mahal pangako ikaw lang"
Tandang tanda ko pa ang pangako mo na sabi mo kahit kailan ma'y hindi mapapako
Nagbitaw ka ng salita hindi mo naman pala kayang panindigan
Nagbitaw kapa ng salita kung magwawakas din pala ang ating pagiibigan

Mahal, sana maging masaya ka sa piling niya
Kaya't heto na ako papalayo na sayo
Hindi na kita aabalahin
Masakit man ngunit kakayanin
Basta tandaan mo
Huwag kang maghanap ng iba kung sa tingin mo ay di pa sapat
Isa lang ang puso isa lang din dapat.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon