No. 29

662 10 0
                                    

Hindi Ako ang Tipo ng Babae
✍️: Sheila May Santos

Sa milyon milyong babae sa mundo
Sa libo libong nagrarampahan sa bawat pasilyo
Sa daan daang nakatambay lang sa kanto
At isa ako sa maaaring makita mo lang dyan sa tabi tabi
Pero tulad ng titulo ng tulang to
Hindi ako ang tipo ng babae

Hindi ako ang tipo ng babae
Na mag aastig astigan para lang masabing cool
Yung tipong boyish ang datingan at may panguya nguya pa ng icool
Hindi rin ako yung pang rampahan
Di mo makikitang magsuot ng kinulang sa tela sa daan
Kumbaga sakto lang
Damit ko'y naaayon sa pupuntahan
At di naaayon sa mata ng karamihan

Hindi ako ang tipo ng babae
Na magpapabili ng fries tuwing kabuwanan ko
Mas matutuwa pa siguro ako kung napkin ang bilhin mo
Mahilig ako sa wattpad at magbasa ng kung ano ano
Pero di ako nagpopost ng "get a guy na bibilhan ka ng libro"
Di dahil sa bitter ako
Kundi alam kong di kayo atm sa bangko

Hindi ako ang tipo ng babae
Na magpapaka ideal girl sa harap mo
Tulad ng mga babaeng sa wattpad ay nababasa ko
Hindi ako makinis, maputi, o matangkad
Wala din akong hinaharap
At di ko din hilig maglagay ng kolorete
Pero alam ko kung pano magmukhang presentable

Marunong din naman akong mag inarte
Minsan inaabot ng pagka moody
Pero di yun rason para magpabebe
Kaya ngayon alam mo na
Hindi ako ang tipo ng babae.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon