No. 35

606 1 0
                                    

"Kapag nakasalubong mo siya"
Ni: Stefhanie Rayco

Kapag nakasalubong mo siya sa kalsada
'Wag kang magtataka
'Wag kang mababalisa
'Wag kang magpalahalatang hanggang ngayon naapektuhan ka pa rin ng kaniyang presensya

Kapag ngumiti siya
Ngitian mo rin siya
Bigyan ng isang malawak na ngisi
Okay lang kung sa muling pagkakataon lolokohin mo na naman ang iyong sarili

Kapag tinanong niya kung kamusta kana
Ang sabihin mo masaya kana
Pero huwag kang titingin sa kaniyang mga mata
Dahil baka malaman niyang hanggang ngayon nasasaktan ka pa
Na hanggang ngayon mahal mo pa rin siya
Na hanggang ngayon iniisip mo pa rin siya sa pagsapit ng umaga
Na hanggang ngayon umiiyak ka pa rin sa tuwing gabi
At umaasang babalik siya sa'yong tabi

kapag nagpaalam na muli siya
Ngitian mo lang at sabihing mong magiingat siya
At kapag tuluyan na siyang umalis
Do'n mo na punasan ang iyong namumuong pawis

Sa pag hakbang niya ng mga paa
Hayaan mo lang dumaloy ang mga butil ng luha
Pero siguraduhing hindi mo na muling siyang hahabulin pa
Kasi tapos ka nang mag habol sa kaniya
Tapos ka nang magpakatanga
Pinangako mo na sa sarili mong kakalimutan mo na siya
Pinangakong hindi kana magiging iyakin
Na panahon naman para sarili mo na ang iyong mahalin

Sana kapag nakasalubong mo muli siya
Totoong okay kana
Na hindi mo na siya mahal
Na hindi kana sa kaniya susugal

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon