No. 21

802 2 0
                                    

"NEVER LET ME GO!"
BY: Rahani Ayela Craige Delevingne

Mahal, patuloy parin ako nakakapit kahit di mo alam
Nakakapit parin ako dahil baka, baka may pag-asa pa
Patuloy padin akong umaasa at itinutuloy ang naudlot na sumpaan
Kung saan ako nalang mag-isa ang nakatayo sa ating pagmamahalan

Pagmamahalan na iyo ng winakasan
At ako mahal ay labis na nasaktan,
Oo, may iba kana ngunit nandito parin ako ipinaglalaban ang tayo
Kahit na wala ng ako sa buhay mo at wala ng ikaw at ako

Kaya sana iyong mapagtanto na nandito pa ako patuloy parin akong lumalaban
Sana akoy hindi mo nalang pinakawalan
Dahil mahal hindi ko pala kayang mawala ka sa akin
At hindi ko kayang basta basta nalang kalimutan at tanggapin

Sa bawat araw na kasama mo siya
Kayo ay masayang masaya
Habang ako nasa malayo nasasaktan ng palihim
Para akong sinasaksak ng mga matutulis na patalim

Kasiyahan mo mahal ay kasiyahan ko din
Kayat hahayaan kita kung saan ka masaya at yun ay ang sa piling niya
Sana balang araw makakalimutan ko na noon ay may ikaw at ako pala
At ngayon tatanggapin ko na na tayo ay ipangtagpo at hindi itinadhana.

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon