41

353 1 0
                                    

"HUWAG KANG MAHUHULOG SA LAGI MONG KA-CHAT"

inulat nina: John Brixter Tino at Kenneth Ofima
Tumutugmang Ginoo at Gererong Manunulat

Nahulog ka na ba sa isang taong lagi mong ka-chat
Nguni't sinalo ka ba sa kabila ng iyong bigat
O baka nagmintis kasi hindi ka naging maingat
Marahil iyan ang magiging sanhi ng iyong sugat.

Sa kanyang mga mensahe'y labis ka pang kinikilig
Yaring puso'y tumatakbo't tumatalon bawat pintig
Maghinay-hinay ka muna't baka ikaw ay mayanig
Sigurado ka na bang ikaw ay kanyang iniibig?

Banayad lang sa pagpapatakbo ng iyong sasakyan
Nang sa gano'n ay 'di ka mabunggo sa 'yong dinadaan—
Kung ayaw mo namang madesgrasya o masagasaan
May preno ka naman, gamitin mo 'to paminsan-minsan.

Totoo nga't gabi-gabi'y lagi kayong magkausap
Sa iba't ibang pangyayaring sa buhay niyo'y nagaganap
Nguni't hanggang doon na lang, kayhirap man na matanggap
Yaong dapat ka-chat mo lang, bakit mo pinapangarap?

Sinubukan naman n'yang itabi ang inyong mga puso
Kaso kahit anong pilit n'ya ay 'di pa rin mabuo
Palibhasa hindi nag-akma ang susi sa kandado
H'wag mo ng ipilit ang 'yong sarili sa kausap mo.

Walang ibang ibig sabihin ang kanyang mga salita
Bawat emoji't sticker, bawat letra at mga kataga
Ikaw din ang masisisi at lalabas na masama
Kung ikaw ay mahuhulog kahit 'di mo sinasadya.

At saka chatbox ninyo ay pinalitan mo ng kulay
Pero 'yong pag-uusap ninyo ay nauutay-utay
Marahang namamatay, puwede nang ibaon sa hukay
Ikaw ang nagbigay kulay subali't hindi nabuhay.

Hindi ka ba nadadala, hindi ka ba napapagod?
Ang igsi ng kanyang tugon habang sayo'y sunod-sunod
Bukod sayo'y meron pa s'yang kinakausap na bukod
Ba't ka pa umaasang kayong dalawa'y magbubuklod?

Huwag mo na s'yang kausapin at tuluyan nang matulog
Upang ang iyong damdamin ay hindi na mabulabog
Huwag mo nang ipilit pa at lalo ka lang madudurog
Kung sa palagi mong ka-chat ay bigla kang mahuhulog.

Itigil mo na 'yan, pakiusap 'wag ka ng mangulit
Masyado s'yang abala sa iba, 'wag ka ng sumingit
Puso mo'y hilain at sa kanya'y huwag ng ilapit
Ngayon, puwede bang huwag mo na s'yang kausapin ulit?

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon