42

445 4 0
                                    

PAGOD KANA PALA.

Pagod ka na ba? Tumingin ka sa aking mga mata
Pagod ka na ba? Teka, ako na magdadala
Pagod ka na ba? Sige magpahinga ka muna
Pagod ka na ba? Mahal napagod ba kita?

Bumabalik sa aking isipan yung mga panahong bago pa tayo
Hindi tayo mapaghiwalay ng kahit sino
Halos lahat ng libangan at gusto ay pareho
Kahit mga pangarap natin ay nakakabit na sa bawat puso

Yung bawat ngiti, yung bawat iyak, yung bawat hirap na pinagsaluhan nating dalawa
Akala ko wala na talagang makakasira
Halos lahat ng bagyong napagdaanan natin hindi tayo natumba
Akala ko'y hindi mapapagod ang isa't isa

Isang araw paggising ko, nagbago nalang lahat
Nawala yung dating sigla, sa biglaan kong pagmulat
Hindi na ganon kasaya pag magkasama tayo
Parang normal na araw nalang kapag kasama mo ako

Anong nangyari? May iba na ba?
Ang sabi mo, "wala, pasensya na"
Di ko maintindihan, naguguluhan ako
Bakit kailangan mangyari satin to?

Hanggang sa sinagot mo yung mga tanong ko,
Na oo, pagod kana, na oo nagsawa kana
Na ayaw mo na, na bigla nalang nawala
Nawala yung nararamdaman mo sakin na akala ko'y di mawawala

Nagsawa ka na pala sa paulit ulit nating ginagawa
Habang ako ay masaya kapag ginagawa yung mga bagay na kasama ka, ikaw pala nagsasawa na
Napagod ka na pala sa di ko maunawaag dahilan
Habang ako seryosong hinahawakan yung lubid nating dalawa na matagal mo na palang gustong bitawan

Bakit ka napagod? Naging pabigat ba ako?
Bakit ka nagsawa? Sumobra ba ako?
Bakit ka umayaw? Nagkulang ba ako?
Bakit kailangan mong isuko lahat? Mahal, malapit na sana tayo.

Gustong gusto ko makiusap sayo na wag mo na ako iwan
Pero di mo na ako nililingon para pakinggan
Buo na yung desisyon mo na nagpadurog sa puso ko
Lahat ng pangarap at plano natin bigla nalang naglaho

Pwede naman sigurong magpahinga ka muna
Balik ka ulit sakin pag guminhawa na
Ako na muna yung kakapit, ako muna yung magdadala
Habang pagod ka, ako na muna ang lalaban para sating dalawa

Hindi ko kase maintindihan kung ano yung dahilan ng pagkapagod mo
Kaya nahihirapan akong tanggapin na iiwan mo nalang ako
Naging makasarili ba ako, dahil ako nalang ang masaya
Habang ikaw pinipilit mo nalang pala manatili kahit di kana masaya

Pasensya na mahal, napagod pala kita...  :((

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon