No. 12

1.2K 8 0
                                    

"Pagsuko"
Ni: Patricio Gonzales

Nakaramdam ka na ba ng panghihina?
Panghihinang hindi dahil sa marami kang ginawa..
Panghihinang hindi dahil pagod ka..
Kundi yung panghihinang emosyonal..
Bakit? Bakit, kapag magkakagusto tayo.. dun tayo napupunta sa taong hindi kayang suklian yung binigay mo..
Bakit? Bakit, kahit ang sakit isiping wala ka naman talagang pagasa sa tao ay pinipilit mo pa rin?
Bakit? Bakit ganon?
Nasanay akong magisa sa halos matagal na panahon.. Panahon na ako lang ang taong nakakakilala sa sarili ko.. Panahong sarili ko lang ang kaagapay ko..
Panahong.. Ikaw sana at ako, kahit alam kong malabo..
Sa paglapat ko ng mga letra, palaging isang patak ng luha ang nahuhulog sa 'king mga mata..
Sa pag mulat ng mata at paggising ng aking diwa ay ikaw, Ikaw ang syang alaala..
Bakit kaya? Nagkaroon ng halaga sa buhay ko, yung taong alam kong tatalikuran ang mga salitang bibitawan ko..
Umasa akong may pagkakataon..
Umasa sa mga salitang binibitawan mo..
Umasa na sana, sana hindi nalang maglaho..
Ngayon.. Aking napagtanto na ang isang tulad ko na nagaalay ng mga salita at papuri sayo ay isa lamang abo. Abo, na hindi kayang magtagal sa mga palad mo.. Abo, na alam kong kapag iyong nahipan ay mawawala na lamang..
Sa pagsulat ko ng mga katagang ito, mas mapapansin mo kaya ako?
Sa aking paglayo? Maramdaman mo kayang namumugto, ang mga matang dating nakangiti kapag anjan ka.. Pero ngayon.. Ngayon ay puro luha..
Sa huling pagaalay ko ng mga salita, sa pagbibigay ko ng bawat pag gunita,
Ay maramdaman kong wala na, Wala nalang ito sayo.. Nais kang alayan ng awit kahit ako'y sintunado... Nais kang pasiyahin, hanggang sa makita kong ang mga mata mo'y maningkit..
Pero mali.. Mali na atang magmahal ng taong hindi para sayo.. Mahirap makipag sapalaran sa taong kahit kailan hindi mapapasayo..
Kaya sa huling bigkas ko ng mga salitang ito.. Nasabi ko na sa sarili ko na ako'y susuko..
Susuko sa pagpapakita na ika'y aking gusto..
Susuko sa paraang alam kong totoo..
Susuko dahil alam kong, hindi na tama ito..
Salamat sa mga sandaling nakausap ka.. Masaya ako't masaya ka..
Salamat sa mga salitang nabitawan mo..
Kaya hanggang sa huli, ito na ang aking pagsusumamo.
Pagsusumamo na aabot pala sa salitang susuko na ako..

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon