No. 38

625 1 0
                                    

"MASAKIT ISIPIN PERO MANGYAYARI"

Hindi na rin bago sa isang katulad ko
Ang paulit-ulit na proseso
Ng pagdating at pag-alis ng iba't ibang tao

Sa ngayon, masaya pa tayo
Ngunit bukas o marahil sa mga susunod na linggo,
Maaaring magbago ang takbo ng ating mundo

Masakit isipin pero maaaring mangyari
Mahirap tanggapin kung nakatakda
Hindi malalabanan kung tutol ang tadhana
Masakit isipin pero totoo
Na maaaring sa loob ng ilang segundo o minuto,
Mangyayari ang isang malaking pagbabago

Kaya ngayon pa lang, hinahanda ko na ang aking sarili
Sa mga posibilidad na maaaring mangyari
Darating ang araw na hanggang titig na lang ako
Sa ating pag-uusap na dati ay aktibo
Marahil, ganoon na talaga ang proseso,
Na pagkatapos ng pananabik ay ang panlalamig
At muli mong pagngiti sa panibagong daigdig

Masakit isipin at mahirap tanggapin,
Na balang-araw hindi na ako ang gusto mong kausapin
Darating ang punto na hindi na ako ang nagpapasaya sayo
At hindi na sa ating conversation ang nasa 'My Day' mo

Alam kong magsasawa ka
Sa paulit-ulit na daloy ng ating istorya
Hindi na rin ako magtataka
Kung hindi na ako ang binabati mo tuwing umaga
At sasabihan ng 'Good Nayt' bago dumiretso sa'yong kama

Darating ang punto na mamimiss kita
Pero wala akong magawa kung di titigan ka
Sasapit ang oras na kahit gusto kong kausapin ka,
Ay wala akong magawa kung di mag backread na lang talaga
At kapag magkakasalubong ang isa't isa,
Masakit makita na pareho tayong nagpapanggap na 'di magkakilala
Na parang hindi tayo minsan nagkasama

Sabi nila, sulitin ko lang daw itong kasiyahan
Pero hindi ko maiwasan na isipin ang kinabukasan
Dahil nandoon ang kaalaman,
Na sobrang sakit kapag tuluyan mo akong iniwan
Minsan, para di ka na masaktan nang lubusan,
Ang una mong dapat gawin ay pangunahan

Para hindi ka na labis na maaapi,
Kung ang mga bagay na masakit isipin, ay tuluyan nang nangyari

-MarcelBrandonMalinao

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon