No. 26

809 7 0
                                    

"Abakada ng tunay na Barkada"

(Solidwest)
-Manuel Coronel

"ABARKADA"
Kombinasyon ng dalawang magkaibang salita na masasabi kong perpektong tugma Ang Abakada at Barkada na parehong sa eskwelahan nabuo't nagsimula
Ang Abakada na hindi mauubos
Ang Barkada na hindi matatapos
Maubos man ang salita mananatili sila
Matapos man ang lahat mananatili sila
Maubos at matapos man ang mga oras sa paaralan mananatili silang nakatatak sa puso't isipan. Kaibigan Ang ABAKADA ng tunay na BARKADA
A
Ang eskwelahan ang paborito nating tagpuan
Dito una tayong nagkasalubong at nagkasalisihan sa paglalakad sa mga daan sa loob ng paaralan Pero
Ba
Bago ko pa man din kayo makasama
Alam ko na
Sa una nating pagkikita
Walang halong pagdududa
Alam kong
Ka
Kaibigan kayo
Ka, Kaya't walang halong kaba
Sa inyo ay daglian akong sumama
At dahil
Da
Dama ang lugso ng dugo
Mula ng tayo ay magtagpo
Mula ng ang barkada ay mabuo
Walang halong biro
Itinuring ang bawat isa'y kadugo
Dama na
E
Espesyal ang bawat oras na magkakasama
Minsan ang gabi ay ginagawang umaga
Pero kahit
Ga
Gaano man kasaya
Di maiiwasan magkaproblema
Pagsubok kumbaga
Mayroong magtatampo at magagalit na lang bigla
At yan, yan ang nagpapatatag sa pagsasama
Ha
Hahayaan muna sa una
Syempre palalamigin muna
Ang ulong pwede ng pagkapehan sa sobrang init dahil sa galit
O ang pusong may tampo dahil sa di natupad na nais
At dahil
I
Inaalala ang bawat isa
Hindi magagawang tumunganga
Ihahanap ng solusyon
Idadaan sa mabuting usapan
Iiinda pero mawawala ring bigla
Ganyan talaga basta't may I ang barkada
Importansya sa isa't -isa
La
Lalaitin ka nila
Ngunit di para maliitin
Kundi para sabihin at iparating na
Friendship without bullying is boring
Pero di ka dapat maaning sa halip mas lalo mo pa silang
Ma
Mahalin ng higit pa sa kaibigan
Kaibigan na,
Maaari mong masandalan sa sandaling wala ka mg makapitan
Mahalin mo sila di dahil kaibigan mo sila
Mahalin mo sila di dahil mahal ka rin nila
Mahalin mo sila sapagkat pamilya mo sila
na palaging
Na
Nandyan sa iyong tabi
Walang pinalalagpas na sandali
Mabibilang mo sa daliri
Kung ilang beses lamang silang nagbakasakali
Na samahan ka sa iyong mithi
Na
Nandyan sila palagi
Kasama mong
Nadarang sa apoy ng liwanag di mo na kailangan pang ipaliwanag
O
Oo minsan, minsan ka na niang tinanggihan
Minsan na silang di sumang-ayon
Minsan na silang sumalungat
Minsan ka na nilang nasugatan
Pero
Pa
Para saan pa't kayo ay naging magkakaibigan
Kung di mo kayang patawarin ang mababaw na kasalanan
Pa
Para saan pa't sumama ka sa kanila kung di ka handang matutong masaktan ng panandalian Kaya't dapat habang may oras pa ay
Ra
Ramdamin mo sila
Dahil ramdam ka rin nila
Kung ano at sino ka
Kung papaano ka
Kaya't
Sa
Sa natitirang oras na kasama mo pa sila sa paboritong tagpuan
Sulitin mo na
Sumama ka sa mga galang pwedeng sabihing huli na
Kaya't sa mga
Ta
Taong nakatagpo ng mga kaibigan tulad ng sa akin
wag ka munang
U
Uuwi di dahil sa wala pang nananalo
Kase sa una palang na makilala mo sila panalo ka na
Uulitin ko
Wa
wag ka munang uuwi pagkatapos ng pagtatapos ng taunang pagtatapos sapagkat pagkatapos ay Ya
Yayayain ka pa nila
Yayayain ka nila sa walwalan
Yayayain ka nila sa kasiyahan
Yayayain ka nila sa inuman
Yayayain ka nila sa isa mga paborito nyo pang tagpuan

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon