No. 10

1.4K 5 0
                                    

No title
By: John Rey Tubera

Isang taong minahal mo pero iniwan ka, Minahal mo na walang nararamdaman na takot at kaba. Sa bawat panahon na laging tayong magkasama, unting-unti kong nararamdaman na mahal na kita.
Isa taong kahit na siya na yung mali gagawin mo paring tama, para lang makatabi mo siya sa iisang kama. Mayakap siya ng mahigpit para ang kanyang pagmamahal ay iyong madama, ngunit lahat pala ng yun ay unting-unti nang mawawala. Isang taong binuo ang buhay mo pero siya din pala ang magkukulang, nang mawala siya para bang ako ay nabubuang. Araw at gabi ikaw lang aking inaasam na makasama sa pagtulog at pamamasyal. Isang taong kinapitan mo pero siya din ang bumitaw, kahit wala kana walang ibang nasa isip kundi ikaw. Ginawa lahat para sayo na para bang ako ay kalabaw, na hindi pwedeng mapagod kahit na ako ay nauuhaw.
Isang taong nanakit sayo pero okay lang, tetext ko ang kaibigan mo ang sabi busy ka lang daw. Ngunit nakita kitang may hawak na para bang ayaw bumitaw, puso ko gusto nang magwala at sumigaw!
Isang taong iiwan ka lang pagkatapos ng lahat, napara bang kumaen lang at may tinapon na kalat. Damdamin ko ay para bang tinamaan ng malakas ng kidlat, at pagkatapos ng lahat ng yun ako ay biglang namulat. Isang taong binigay sakin para lang sa isang pagsubok, hindi ko agad kayang mawala ang sakit na para isang usok. Sarili ko di ko kayang payuhan na para bang nabubulok, sa sobrang sakit para bang may tumutusok na bubog! Pero sa lahat ng nangyari aaminin ko mahal parin kita, hindi ko malilimutan ang mga sadali na tayo ay masaya. Ikaw lang yung minahal ko ng lubos at wala ng iba, kaya sana bumalik kana sakin aking sinta!

Spoken Word Poetry - FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon