-Irah Pov-
Nandito kami ngayon sa cafeteria, lunchtime na namin. As usual nandito na naman si xander, ano paba?
"Bhe kanina kapa nagmumukmuk jan, may problema kaba?"
"Wala, may iniisip lang." Kahit wala naman talaga.
Tumango nalang siya, at sumubo. Hays gusto ko talagang mag 4thyr sa SK kaso mami-miss ko sina mama at papa. Ang hirap kaya mawalay na naman sa kinagisnan mong pamilya.
"Hi, can i join?"
Tinignan ko yung nagsalita. Its Drew-_-
"Sure, sure dito ka sa tabi ko hihi!"
Sino paba ang sasagot nang ganyan? Edi si Selene :3 Tinignan ko naman si bhe na parang nainis sa presence nang lalaking 'to. Umiling-iling nalang ako. Nagsimula namang kumain si Drew.
"So anong meron sainyo ni Selene?" This time ako na ang magtatanong, para ma clarify na namin ni xander kung anong meron sa kanila. Nabe-behind kami eh!
"We're friends actually, pero i had a feelings for her kaya nanliligaw ako sa kanya. At gusto ko sana nang permission galing sa kuya niya."
"Eh kay Irah? Nagkaroon ka din diba nang feelings sa kanya? Hype karin ah!"
Siniko ko si bhe, pinagsasabi niya kalokohan lang yun ni Drew dati tsk.
"*chuckled* it's just an admire sir, i admire her coz shes one of a kind. Still i do respect you're relationship, at alam kong loyal si Irah sainyo. Gusto ko lang mapansin ni Irah that time"
"Well alam ko naman talaga yan, sa ganda ko ba namang ito. Di imposible!" Sumubo ako at ngumuya.
"So ano nga? Manliligaw kaba nang kapatid ko o hindi?
"Wag ka namang magalit kuya, chill lang ito naman!"
"Opo manliligaw nya po ako ngayon."
"Ok pinapayagan kita, pero wag na wag mong papaiyakin o saktan. Baka di kana sikatan nang araw. Lintik lang ang walang ganti Drew" sabi ko habang diretsong nakatingin sa mata niya. Napalunok naman siya at pinagpawisan.
"Bakit ka naman pumayag bhe? Ako ang kapatid niya, ako ang kuya niya kaya. Madaya!" Isa rin 'to eh, nagmamaktol :3
"Sino ba ang boss?"
"Ikaw" duet pa talaga sila ni selene.
"Sino ang masusunod?"
"Ikaw" sabay naman sila.
"Sinong papalag?"
"Wala" sabay silang tatlo. Nakisali din ang hinayupak.
"Sinong mahal ni Xander?"
"Ikaw" this time si bhe nalang ang sumagot.
"Good. So pwede na kayong lumayas sa harap ko."
"Sino? Ako?" Si bhe.
"Yung dalawang naglalandian." Inirapan naman ako ni selene at naglakad na palayo pero nagdadabog. Abnormal.
"Alam mo bhe wala akong tiwala jan kay Drew!"
"Mukha nga niya hind katiwa-tiwala, ugali pa kaya!"
Natawa naman nang mahina si bhe, nakakatawa ba'yun? Hindi yun joke oy! Baliw na talaga si xander.
"Tara na, hatid na kita sa parking lot."
Tumayo na kami, at lumabas na nang cafeteria.
"Bhe dito kapa ba magfo--4thyr?"
"Hmm diko parin alam eh."
"Miss ko na si Sir Martin hehe!"
"Ako din naman ah, kumusta na kaya yung company?"
"Hays sana okay lang!"
Pagkarating namin sa parking lot, nakita ko si Drew at Selene na may kausap? Babae at Lalaki din. Hindi ata napansin ni bhe eh.
"Puntahan natin sila Selene, parang may kausap eh" kumunot noo naman siya kaya ininguso ko kung saan sila banda. Tumango naman sya.
"Siya naba si the one mo Drew?" Hmm? Boses babae at familiar.
"Oo nga bro, si Selene pa talaga ha?" Teka si tristan ba yung nagsalita?
"Nasaan si Irah?" Huh? Hinahanap niya ako?
"Bakit?" Sumiksik ako sa kanila. Oh ang mag-fiancee pala or mag-asawa? Nakasal na ata sila eh.
"Yown, kumusta idol?" Yung babae.
"Better. Whats your name?" Hindi ko kasi alam pangalan niya eh.
"Chelsea Sandoval-Fuentabello po idol."
"Siblings?" Sandoval din kase si Drew tsaka narinig kong nagsabi siya nang kapatid.
"Yes. Hihi, ay oo nga pala idol punta kayo sa kasal namin ha? Sa makalawa na."
Tumango nalang ako at ngumiti. Bakit naman ako tatanggi diba? Psh
"Oh sge na bhe, uwi kana may pasok pa kami. See you later!" Hinalikan ko siya sa lips, at sumakay na sya sa kotse niya nasa likod lang namin nakapark.
"Oh sige una nadin kami idol, babye!" Nagwave lang ako sa kanya at ngumiti. Napatingin naman ako kay tristan, tumango nalang ako. At umalis nadin sila sa harap naming tatlo.
"Oh Drew may pasok kami ni Selene, maya na ang ligawan!" Hinila ko ang kamay ni Selene sa kamay ni Drew.
"Osge Irah, paki ingatan ha?"
Pinat ko ang ulo, at nagsimula na akong maglakad.
"Ses dito nalang tayo mag 4thyr hihihi!"
"Hmm depende!"
Napasimangot naman siya. Hindi pa kasi ako sure eh, wala na kaming pundo at kelangan na naming mag-ipon tsaka para di na kami problemahin nila mama at papa. 1 Last yr nalang, tapos na ang paghihirap nang magandang katulad ko.
Pagkarating namin sa room ay wala pang tao, so it means maaga kaming pumasok ngayon? Hmm bahala na nga makaidlip lang muna.
BINABASA MO ANG
NYIG Book 2: Ain't Your Girl Anymore (Completed)
Teen FictionRead at your own risk. Note: Not yet edited nor revising. You may read some mistakes (name it all) so bear with it.