-Irah Pov-
Nandito na kami sa bahay, ang tahimik kanina sa loob nang sasakyan. Mabuti naman talaga at nanahimik agad si xander. Kumakain kami ngayon sa kusina, hindi makakauwi sina mama at papa ngayon kasi overnight silang mag-aasikaso sa company na pinagta-trabahuan nila.
"Selene, umayos ka. Pag nanjan si Drew parang uod kung kiligin, pag wala naman siya para kang baliw na galing sa mental hospital!"
Para kasing baliw 'tong babaeng 'to! Kinikilig, at namumula tapos kinakagat pa niya ang labi niya. Ganun ba talaga kalala ang epekto ni Drew sakanya? Parang sinaniban? :3
"Eh keshe nemen keye!" Nagpapadyakpadyak na naman siya, at ngumunguso. Gaga talaga!
"Selene umayos ka!" Ayan galit na naman si bhe, babaeng 'to pinapa-high blood kuya niya.
"Kuya naman eh, kinikilig nga ako dito!" Kinakagat-kagat niya naman ang kutsara. Abnormal.
"Manahimik ka nga, kababae mong tao ang landi mo!" Pffft nagsalita ang hindi malandi.
"Eh bakit si Zein? Malandi din naman yan ah!" Tinuro niya pa ako. Wao!
"Oo malandi ako sa kuya mo, atleast hindi ako ganyan kiligin. Kahit ang lakas nang tama ko sa kuya mo may pagkamestisa parin to!" Inirapan niya lang ako, ayan kase ang harot-harot kala mo may bulati sa pwet.
"Oh natahimik ka kuya? Kinilig ka naman? Odiba malandi karen?" Nilingon ko naman si bhe, ay namula si koya hahaha so cute :*
"Tumahimik kana nga Selene!" Awtsuu napagalitan na naman ni xander. Hahaha!
"Akyat na 'ko. Selene umayos ka, baka gusto mong paalisin ko yang si Drew dito sa mundo!"
Nakakastress 'tong si Selene, ang sakit sa bangs! Abnormal na atang babaeng yun eh.
Agad akong humiga sa kama, gusto ko na talagang matulog pero parang may pumipigil. Minumulto ba ako? -_-
Makatulog na nga...
----
"IRAH WAKE UP! BIBILI TAYO NANG GOWN, WAKE UP BITCH!"
"MS. IRAH ZEINNETH YU GUMISING KANA!"
"IRAAAAAAAAAAH!"
*boogsh*
Ay putang ina, sino ba yang sumisigaw? Nahulog pa tuloy ako sa kama.
"Maligo kana sessy, kase bibili tayo nang gown. Walang pasok ngayon at bukas kase may kasalang magaganap!" Bwisit ginising lang ako para sa gown? Gown? Oo nga no, may kasal kaming pupuntahan bukas. Makaligo na nga.
----
"Ano bang theme nila? Violet? Pink? Red? White?"
"Gold"
"Really? Nice choice!"
Nandito kami sa botique nang tita ni Chelsea, dito lang may Gold na Gown eh. And of course nakaupo lang si bhe kasi may napili na siyang tuxedo kami nalang wala ni Selene.
"Ito po ang pina-reserve na gown sainyo ni Mam Chelsea, po mam." Huh? May reservation na pala kami? Mabuti naman.
"Bayad na 'to?"
"Opo mam."
Tumango nalang ako at lumabas na, bayad na pala eh. Edi go! Kakain nalang kami sa jabbee hehehe gutom na ako eh. Di namin mahagilap ang botique nato kanina.
"Bhe akin na ako na magdala!" Ngumiti nalang ako at ibinigay sa kanya yung paper bag. Sana naman maganda yung gown na pinareserve ni Chelsea.
"Selene ikaw na mag-order!" Tumango nalang si Selene, at nagline na.
-Xander Pov-
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa starbucks kasi gusto ni bhe tumambay dito.
Hinihintay namin ang order namin, si bhe nagi-instagram, si Selene naman nagte-text.
Kinukutoban talaga ako sa Drew nayan! Nakakainis yung pagmumukha niya, pati ba naman kapatid ko target niya? Aba umayos lang siya kundi makakakita siya nang stars.
"Here's your order mam/sir!" Hindi sumagot yung dalawa kaya tumango nalang ako sa crew.
"Bhe tignan mo 'to!" Tinignan ko naman yung cp ni bhe.
Si Selene at Drew -_- Nakaakbay si Drew kay Selene. Kelan kaya to?
"Sa bahay mo na pagsabihan." Tumango nalang ako. Ito tal agang babaeng 'to di madala-dala >< Ginagalit niya talaga ako.
"BESHTYYYYYYYY!"
huh?
"Si stella yan panigurado." Tumayo naman siya at nilingon yung sumigaw. Oh ang mag-asawa :-)
"Upo ka beshty"
"Sure, hon si baby luke bantayan mo!" Tinignan ko naman si nathan, kawawang lalaki.
"Kumusta kana beshty?"
"Okay lang, ito 2months pregnant!"
"Sinundan niyo agad? Grabe!"
"Oo naman! Ang sarap kaya sa feeling, try niyo ni xander"
*cough cough*
Grabe naman to si stella, pinainom ako ni bhe nang tubig tsaka lumingon kay stella.
"Beshty?!"
"What i mean is masarap ang feeling pag may anak na! Anokaba beshty"
"Ewan ko sayo beshty!"
"So alis na kami ha? Dumaan lang talaga ako dito kasi nakita dito sa loob hihi babaaaaay!"
"Babye, takecare :-)" tumayo na si stella at lumabas na, nagwave pa siya kay stella.
"Ganun ba talaga pag buntis? Hyper?"
"Dunno"
May dalaw ata si bhe eh, ang sunget-sunget. This past few days napapansin ko talaga.
"Tara uwi na tayo, tignan mo kapatid mo nababaliw na naman!"
Tinignan ko si selene, aba! Kinakagat-kagat pa niya yung kamay niya at nagpapadyak-padyak nang paa habang may kausap sa cellphone niya. Mahablot nga!
"Kuya naman eh!"
"Manahimik ka Selene!"
"Kausap ko pa si Drew eh!"
"Manahimik ka kundi sisirain ko 'tong cellphone mo!"
Ayan tumahimik din, di talaga mabubuhay kung hindi makausap si Drew. Psh pagbuhulin ko kayo eh -_-
"Uwi na tayo!"
Tumayo na si bhe at lumabas na kaya agad kung ibinulsa ang cellphone ni Selene tsaka sumunod kay bhe.
BINABASA MO ANG
NYIG Book 2: Ain't Your Girl Anymore (Completed)
Teen FictionRead at your own risk. Note: Not yet edited nor revising. You may read some mistakes (name it all) so bear with it.