-Irah Pov-
It's saturday, salamat naman at makakarest na ako. Im tired waken up early. And today of course may date kami ni bhe.
Im wearing a tattered jeans black and a croptop color maroon, flatshoes black and shoulder bag. Oh diba? Simple lang, sa mall lang naman kami.
"Tara na bhe!" Lumabas na ako nang kwarto, at nasa labas nga siya. He's wearing a v-neck color white and black pants and pair of shoes.
"Ma, pa, selene, aalis napo kami!"
"Ingat kayo mga anak!" Oo alam nani papa ang relasyon namin ni bhe. Support nga sila eh.
Lumabas na kami nang bahay at pumasok na kami sa kotse niya. At umalis na.
"Saan tayo bhe?" Tanong ni xander saken.
"Ikaw bahala." Tumango nalang siya, at nagconcentrate sa pagdra-drive. I open the radio.
*Now Playing: Say You Won't Let Go By James Arthur*
Hinawakan ni bhe ang kamay ko at hinalikan. Kinikilig ako pero ayoko lang ipahalata! Naghu-hum nalang ako, sinasabayan ko yung tuno nang kanta eh.
"I knew i love you then, but you never know." Kanta niya at tinignan niya ako sa mata.
"Just say you won't let go.." At hinalikan niya ang kamay ko.
"I love you my queen." Ngiting sabi ni bhe, gosh bakit ba ang gwapo niya? Nakatitig pa siya sa mata ko nang sinabi niya yun. Eeeh
"I love you to my king." I kissed him on cheeks. Ngumiti nalang siya.
"We're here!" Huh? Ano to? Anong gagawin namin dito? Bumaba na ako sa kotse, tinignan ko ang paligid, walang tao dito.
"Dito bhe, sundan mo lang ako!" Tumango nalang ako, nasa unahan siya so nasa likod niya ako. May dahong nakaharang sa daan namin, tinaas niya yun at pumasok kaya yun din ang ginawa ko.
"Welcome to my special place bhe!" Agad siyang tumabi.
Oh my god! Ang ganda dito, ang ganda nang tanawin. Pati atmosphere at katahimikan nakakarelax. Wow!
"Do you like it?" Hinawakan niya naman ang kamay ko, at ngumiti.
"No." Nalungkot naman siya kaagad.
"Coz i love it!" Napatingin naman siya saken at niyakap ako.
"Akala ko di mo nagustohan eh!"
"Nope, i love it nga kase!" I pinch his cheeks tumawa lang siya nang mahina.
Hinila niya ako para umupo, kaya umupo na ako. Hindi naman madumi eh.
"Did you have any idea why i bring you here?" Oo nga no. Hmm umiling nalang ako, eh sa wala akong idea eh.
"Eto ang favorite place since i was a kid. Dito ako dinadala ni mama at papa." Panimula niya, oo nga pala hindi ko alam kung nasan ang parents niya.
"Close ko ang parents ko, i have my lil sister na hindi ko alam kung sino o nasan siya. Gusto ko nga siyang makita eh, pero sabi ni mama dati yung kapatid daw niyang babae na si tita mich ay hindi nabubuntis. May asawa si tita mich, eh kakapanganak palang ni mama sa lil sis ko. Tapos nagfavor si tita mich na kung pwede siya daw muna ang magbantay kay lil sis kaya pumayag si mama. Hindi pa nakakalabas si mama sa hospital pero may nangyari hindi maganda..." Yumuko siya, at pinahid ang luha niya. I hugged him hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan niya.
"Nung time nayun, nawala na si mama pagkalabas sa lil sis ko. May huling habilin pa siya saken... Ang alagaan ko daw ang kapatid ko tsaka siya p-pumikit." Sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya.
"Sa pagkawala ni mama, doble kayod ako. Nag-aaral ako, nagpupunas nang mga sasakyan para lang may makuha akong pera at panggatas nang lil sis ko. Si papa nagkasakit, tanggap niya yun kase gusto nadaw niyang sundan si mama. Sabi ko paano ako? Ang kapatid ko? Sabi ko lumaban siya, nahospital siya. Iniwan ko muna si lil sis kina tita mich, nangalakal ako, namasura, nagpunas nang jeep, nangbinta nang sigarilyo, nagbinta nang sampaguita. Lahat ginawa ko para mapagaling ko si papa. Pero binawian din siya nang buhay..." umiiyak na siya, bakit hindi ko alam na may kinikimkim pala siyang sakit na nararamdaman.
"Wala akong choice nun, iniwan ko si lil sis kina tita mich. At nag-aral ako, nakapagtapos ako nang high-school at college. Every vacation pumupunta ako kina tita mich, para kumustahin ang kapatid ko. Pero nung naka graduate na ako nang college..."
"Pupunta na sana ako kina tita, para kunin na yung kapatid ko pero nung andon na ako sa kanila. Walang tao, sabi nung kapitbahay nila nagibang-bansa sila sa South Korea. Kaya naghanap agad ako nang paraan para makaipon nang pera para sundan sila doon. Nag sa-sideline ako sa model, tapos waiter. Nung nakaipon ako, pumunta agad ako sa SK akala ko mahahanap ko sila pero nabigl ako...."
"Hanggang ngayon, umaasa pa akong makikita ko siya. Gusto ko na siyang yakapin, kumustahin, pakainin, paaralin. Kaya nga laking pasasalamat ko na nakita kita akala ko wala na akong magandang mangyayari sa buhay ko. Maraming salamat at dumating ka." Ngumiti siya saken, niyakap ko na lang siya. Mas lalo akong nahulog sa kanya.
"Tara na dun naman tayo sa puntod ni mama at papa!" Sabi niya, ngumiti nalang ako at tumango ayokong sirain ang araw na 'to.
Umalis na kami don sa gubat na'yon at pumunta na sa sementeryo.
Ang sakit pala nang dinanas ni bhe, hindi ko man lang alam iyon. Gusto ko siyang tulongan, pero saan ako magsisimula diba?
"Nandito na tayo!" Masayang sabi niya, diko alam kung anong gagawin ko sakanya parang ako yung labis na nasasaktan sa sitwasyon niya. Bumaba na ako sa kotse.
Ang akala ko maganda ang buhay niya, akala ko maganda yung kinagisnan niya. Bilib ako sakanya, kase nakaya niyang labanan ang hirap at sakit.
"Here!" Tinignan ko yung tinuro niya, grave nang mama at papa niya.
"Hi ma, hi pa, sorry po kung ngayon lang ako dumalaw. Ma, pa miss ko na kayo." Humikbi na naman siya, niyakap ko siya.
"Hahanapin ko po ang kapatid ko ma, pangako yan. Sa susunod na dalaw ko kasama kona siya." Ngiting sabi ni bhe, bigla namang lumakas ang ihip nang hangin.
"Hi po mama at papa. Ako po pala si Irah, girlfriend po nang anak niyo." Bigla namang lumamig ang pakiramdam ko.
"Osige mama at papa, aalis na po kami babalik po kami dito!"
"Babye po." Yun nalang ang sinabe ko, bumalik na kami sa kotse at umalis na doon.
Salamat sa po mama at papa sa pagpalaki nang maayos kay xander. Maraming salamat po, tutulongan ko po siyang hanapin ang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
NYIG Book 2: Ain't Your Girl Anymore (Completed)
Roman pour AdolescentsRead at your own risk. Note: Not yet edited nor revising. You may read some mistakes (name it all) so bear with it.