-Irah Pov-
Ngayon ang araw na pinakamahalaga saken, ang araw na pinakahihintay ko, ang araw na magiging asawa ako nang lalaking minahal ko nang lubusan.
Kahit anong delubyo man ang dumating samen, kakayanin namin at kakayanin. Dahil alam ko nang nung una palang na siya na, siya na talaga.
Siya na talaga ang lalaking hinihintay ko, ang lalaking mamahalin ko nang totoo, ang lalaking magiging ama nang magiging anak namin. Ang lalaking mamahali ko hanggang kamatayan.
Till death do us part. Yan ang salitang pinaghahawakan namin ni Xander na hanggang kamatayan kaming dalawa parin ang magkakatuloyan. Ngayon nagkatotoo na.
Nagpapasalamat ako nang marami kay Tristan, kung di dahil sa kanya di ko makikilala ang lalaking para saken, ang lalaking tiniis ako at hindi ako sinukuan, ang lalaking inalaagan ako, ang lalaking pinaparamdam na ako lang ang para sa kanya.
"Aalis na tayo ses, pupunta na tayo sa simbahan." Tumango ako, at tumayo na. Lumabas na kami nang kwarto ni Selene at dumiretso sa labas.
"Siya ang maghahatid sayo." Tinignan ko naman ang driver, ngumiti lang siya kaya tumango nalang din ako.
"Hoy kuya, umayos ka dapat maituloy ang kasal na'to! Pag ikaw hindi mo hinatid si ate don, pati pamilya mo mawawala sa mundong 'to. Tignan mo!" Natawa nalang ako sa pinagsasabi niya. Sumakay na ako sa kotse ganon din ang driver, nauna nang umalis sila Selene. At umalis nadin kami sa bahay, ito na talaga.
Handa na akong harapin ang lahat nang problema basta makasama ko lang si Xander, siya lang ang lalaking minahal ko nang ganito. Siya lang ang lalaking bobou nang pagkatao ko. Siya lang wala nang iba pa.
Sana masaya kami at walang problema ang mangyayari sa araw na 'to. Isa ito sa mga araw na hinding-hindi ko makakalimutan, at hinding-hindi ako magsasawa na isipin nang paulit-paulit.
Sa kaytagal-tagal nang panahon, natupad din ang pangarap ko. Ang makasal sa lalaking mamahalin ako nang totoo, ang lalaking kayang tiisin ang ugali ko, ang lalaking aalagaan ako.
Ngayon, na ikakasal na kami ni Xander. Kaba at tuwa ang nararamdaman ko, masyado akong natutuwa dahil ito na nga, magiging Mrs.Serrano na ako, ito na talaga.
"Mam nandito napo tayo, congrats mam." Ngumiti nalang ako, lumabas na ang driver at pinagbuksan ako kaya tumayo na ako. Inalalayan ako ni kuyang driver sa gown ko hanggang sa simbahan.
"Salamat kuya." Tumango lang siya, ito na nasa harapan na ako na ang altar. Kaya ko 'to.
-Xander Pov-
Tumunog na ang kampana, hudyat na nanjan na siya. Ang siyang babaeng mamahalin ko panghabangbuhay.
Bumukas ang pintuan, at nakita ko na siya papalapit saaken. Ang ganda niya sa sout niya, natupad nadin ang isa sa mga pangarap ko ang makita siyang naglalakad papunta saaken habang nakasout nang puting belo.
"Congrats bro!" Sabi ni Jeon. Siya ang isa sa mga Groomsman ko, at yung dalawa pa ay kaibigan ni Jeon. Tumango nalang ako sa kanya.
Lumapit ako sa kanila, niyakap ako ni mama at nginitian ako ni papa.
"Ingatan mo itong anak namin." Sabi ni mama, alam kong umiiyak siya.
"Opo ma, maasahan niyo po." Ngumiti nalang si papa at umupo nadin sila. Agad kong tinignan si bhe na ngayon ay nasa tabi ko na habang papalapit na kami sa pari.
"Ang ganda mo ngayon mahal ko." Ramdam ko ang pagiwas niya nang tingin, kaya napangiti na lamang ako.
"Bago tayo magsimula, may tutol ba sainyo?" Tanong nung pari.
"Mukhang wala naman, kaya maari na nating simulan ang kasalan na ito." Agad naman akong tumango.
"Sa araw na ito kayo ay ikakasal, saksi ang mga taong nandito at saksi ang nasa itaas. Kayo ay aking gagabayan para maging opisyal sa mata nang tao at diyos." Panimula nung pari.
"Ikaw lalaki, tatanggapin moba ang babaeng ito? Sa hirap o ginhawa? Sa karangyaanan o kahirapan? At isinusumpa mo na mamahalin mo siya nang totoo, at aalagaan. Ituturing bilang asawa, at maayos na pagsisilbihan?" Tinignan ko si Irah. Nginitian niya ako.
"Opo, ipinapanga ko po."
Kitang-kita ko ang pagpatak nang luha ni Zein, alam kong naiiyak siya sa tuwa dahil ang pinakahihintay naming araw ay naasam na namin.
"Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito? Sa hirap o ginhawa? Sa karangyaanan o kahirapan? At isinusumpa mo na mamahalin mo siya nang totoo, at aalagaan. Ituturing bilang asawa, at maayos na pagsisilbihan?" Ako naman ang tumingin sa kaniya, patuloy lang siyang umiiyak. Nginitian ko siya.
"Opo, ipinapangako ko po."
"Ngayon, sa mata nang diyos at sa harap nang madaming tao. Iminumungkahi ko, ang bagong kasal." Nagpalakpakan naman sila.
"You may kiss the bride." Hinarap ko siya at itinaas ang belo, pinahid ko naman ang mga luha niya. Nginitian niya lang ako.
Unti-unting kong inilapit ang mukha ko sa kanya, at ramdam ko ang paglapat nang labi namin. Ang halik na kakaiba sa lahat, ang halik na makakapagsabi na kaming dalawa ay legal na at mag-asawa na.
Agad ko siyang niyakap, nagpalakpakan naman sila. Agad ko siyang hinarap.
"Mahal na mahal kita bhe." Sabi ko sakanya.
"Mahal na mahal din kita." Niyakap niya ako. Niyakap ko din siya, ang yakap na ito ang hahanap-hanapin ko sa boung buhay ko.
Ang matagal ko nang pangarap, ngayon ay natupad na. Ang matagal nang inaasam nang puso ko, ngayon ay natupad na. Ang araw na pinakahihintay ko, ngayon ay nangyari na.
Maraming-maraming salamat panginoon, dahil binigyan mo ako nang pagkakataon para makilala ang babaeng mamahalin ko panghabang buhay. Ang babaeng minahal ako nang lubusan.
Ang babaeng mahal na mahal ko, ang babaeng hindi ako iniwan, ang babaeng mas mamahalin ko pa nang lubusan. Ngayon ay kasal na kami, araw-araw ko na siyang makikita, oras-oras at minuto-minuto pa.
Siya na ang makikita ko pagmulat ko, at huling makikita ko pag matutulog na ako. Siya lang kukumpleto nang pagkatao ko. Siya lang talaga, wala nang iba pa.
Siya lang ang babaeng hinahanap-hanap nang puso at pagkatao ko. Siya lang ang mamahalin ko hanggang sa kamatayan.
Till death do us part.
THE END.
------
YUN OH! COMPLETED NA PO ANG BOOK2. SORRY PO KUNG PANGIT ANG STORY KO. HIHI
Sa lahat nang bumabasa nito o babasa palang, salamat sa pagbabasa nang mga story ko. Salamat po sainyong lahat.
Date Ended: February 16, 2018
All Right Reseved @2018
-irahmae25 is now
Signing off....
BINABASA MO ANG
NYIG Book 2: Ain't Your Girl Anymore (Completed)
Teen FictionRead at your own risk. Note: Not yet edited nor revising. You may read some mistakes (name it all) so bear with it.