23

1.2K 25 0
                                    

-Irah Pov-



Its been 2days pero hindi padin siya nagigising, galing ako sa hospital pero ngayon nasa puntod ako nang mga magulang n-niya.




"Ma, Pa, sorry po kung dahil saken naaksidente ang anak niyo. Sorry po ma, pa." Ito na naman ang luha ko. Pinunasan ko nalang at ngumiti.


Kung hindi lang sana ako umalis doon, sana ngayon masaya kaming nag-uusap at nagkwekwentuhan.


"Alam niyo ma/pa ang bait bait nang anak niyo, maalahanin, maalaga, mapagmahal, masipag. Lahat po nang gusto ko binibigay niya, lahat po nang sasabihin ko sinusunod niya. Ipinapakita niya po talaga na mahal na mahal niya ako."

Kahit sobra na yung hinihingi ko binibigay parin niya kase daw mahal niya ako at mahal na mahal niya daw ako.




"Nung nagkakilala nga kami san Airplane ma/pa eh naiinis ako sakanya non, kase ang kulit niya. Tanong siya nang tanong saken eh nung time nayun strangers pa ang tingin ko sakanya at may iba po akong kasama sa buhay."


Na alam ko na nagpapansin lang siya, kase nagandahan siya saken.


"Pero salamat kay tristan, dahil sa kanya nakilala ko siya. Nung time na down na down ako sa sarili at gusto ko nang mamatay, nandyan siya para saken. Lahat nang hinanakit ko alam niya, hindi niya gustong nakikita akong umiiyak."


Nung time na niloko ako ni Tristan, siya yung pinuntahan ko. Siya yung naging sandalan ko sa lahat nang hinanakit ko.


"Nung nasa Korea po kami, siya po ang kasama ko don tinulongan niya akong bumangon muli, at kalimutan ang nakaraan. Isa siyang anghel para saken, dahil kung hindi sakanya wala ako sa kinauupoan ko ngayon."


Kung wala siya, siguro wala din ako. Siya ang naging kasama ko don, ang bestfriend ko noon na mahal na mahal ko na ngayon.


"Pero ngayon na nandito ako, wala siya sa t-tabi ko. Ang lungkot isipin na nasa ganon siyang kalagayan, miss na miss ko na siya."


Bhe miss na kita, magpaling kana. Alam kong malakas ka, sana hindi mo ako iwan kase hindi ko talaga kaya.


"Yung mga ngiti niya at halik niya, yung kabaliwan niya, yung mata niyang nakakaakit. Yung siya na mahal ko, yung siya na mamahalin ko pa, yung siya mamahalin ko pa panghabangbuhay."



Kase ramdam ko na ikaw na ang lalaking nakatakda para saken, ang lalaking magiging ama nang magiging anak ko. Ang lalaking mamahalin ko pa nang lubusan, ang lalaking ayaw kong mawala. Ang lalaking bahagi na nang boung buhay ko.




"Miss na miss ko napo siya, miss na miss. Kung pwede lang po kahit sa panaginip magpakita sa siya saken. Mahal na mahal ko po ang anak niyo ma/pa."



Till death do us part. Hihintayin kita bhe, hindi ako magsasawa na hintayin ka. Gusto ko paggising mo ako agad makikita mo. Bhe gising kana please?



"Ma/Pa bantayan niyo po siya lage ha? Aalis napo ako, pupuntahan ko po ang anak niyo. Salamat po"



Naglakad na ako palayo, at pumara nang taxi. Kumusta na kaya siya? Okay lang ba siya kahit hindi niya ako nakikita? Sana magising kana xander.



Agad akong bumaba at nagbayad sa taxidriver at dumiretso sa loob. Kunti lang ang tao kasi maggagabi naren. Hindi pa ako nakakain simula nung hindi pa siya gumigising. Miss na miss ko na siya.




*ting*




Agad akong dumiretso sa room suite niya,  nadatnan ko si Selene at Drew.



"Ate kain kana, hindi kapa kumakain simula nung naconfine si kuya." Umiling lang ako, ayokong magsalita o kumaim man lang. Nagi-guilty ako sa nagawa ko.



"You must eat Irah, hindi magugustohan ni Xander pag hindi ka kumain, sige ka magagalit yan pag naggising." Xander, napangiti naman agad ako.



Kinuha ko ang nakabalot na plastic at kinuha ko don ang Chicken Fillet. Kailangan kong kumain para kay Xander. Para kay xander.




"Hmmm" agad akong napalingon kay bhe, sht gising na siya.



"Tumawag kayo nang nurse! Bilisan niyo!" Agad akong lumapit sa kanya, g-gumagalaw ang kamay niya. Gising na nga siya.




"Check the vitals of the patient!"  Agad akong umatras para matignan nang maayos nang doctor.



"Stable lahat, miracle to nagising siya within 2days. Lalabas na kami." Tumango ako  at agad akong lumapit sa kanya.

Miss na miss ko na siya. Salamat at nakita ko na ulet ang mga mata niya. Salamat god. Salamat.



"B-bhe?" Agad tumulo ang luha ko, miss kona ang boses niya. Niyakap ko siya nang mahigpit.




"Im so sorry bhe, hindi talaga yun ang pagkakaintindi mo. Hinila lang ako nang lalaking yun at yun ang nadatnan mo, im so sorry bhe. Im so sorry, please forgive me!"





"Alam ko bhe na hindi mo kayang gawin yun, salamat at nandito ka." Hinalikan ko siya sa lips, miss na miss ko na siya.




"Pinapasabi nang doctor na pwede na daw siyang umuwi sa makalawa, kasi okay naman daw siya." Tumango nalang ako.



"Gusto mong kumain bhe? O uminom?" Umiling lang siya.



"Halik mo lang ang gusto kong matikman." Napaiwas agad ako nang tingin sa sinabe niya, naman eh ayan na naman siya pero namiss ko din yung banat niya. Lumapit ako sa kanya at tumabi.




"I miss you!" Hinaplos ko ang mukha niya, ngumiti naman siya.




"Mas namiss kita, naisip ko na may kailangan pa akong balikan dito sa mundo na papakasalan ko pa at magiging ina nang magiging anak namin kaya ako nagising." Ngumiti nalang ako, ayokong sirain ang pagkakataon na'to.



Mahal na mahal kita xander, mahal na mahal.

NYIG Book 2: Ain't Your Girl Anymore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon