Chapter 1

10.1K 89 1
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

CHAPTER ONE

NAALIMPUNGATAN si Light nang marinig ang may kalakasang ingay ng kanyang cell phone. Agad niyang inabot iyon na nakapatong sa bedside table at humikab pa bago tiningnan ang kanyang caller.

​"Damn," mahina niyang bulong nang makita angpangalan ng kanyang abuelang si Donya Margarita Mondragon. Agad niyang naalala ang ibinigay nitong palugit sa kanya bilang kandidatong CEO ng Golden TRE Hotel na isa sa mga pag-aari ng kanyang abuela.Dahan-dahan muna niyang inaalis ang braso ng katabi niyang babae na nakayakap sa hubad niyang katawan. Saka siya tumayo sa kama at sinagot ang patuloy na nag iingay niyang cell phone. "Good morning, my beautiful gran-"

​"Light, I want you to be here within thirty minutes." Putol ng kanyang abuela sa kabilang linya.

Napatingin siya sa kanyang wrist watch at napakamot sa kanyang noo. Alas 'dyes na pala ng umaga. "Pero, Lola-"

"No more buts, Light. Remember, this is your last chance to be a CEO of our hotel. So please, be here within thirty minutes, or else, I'll give the CEO's position to Miguelle." Tukoy nito sa pinagkakatiwalaan nitong kanang kamay.

"Alright, I'll be there in thirty minutes," ani na lamang niya kahit na imposibleng makarating siya sa hotel sa loob ng tatlumpong minuto. Matapos makausap ang kanyang abuela ay agad siyang pumasok sa banyo at mabilisang naligo.

"Honey, aalis ka na?" pupungas-pungas na tanong nang kagigising lang na babae.

"Yeah. Sorry, hindi na kita ginising. Mukhang pagod ka pa kasi." Napangiti siyang humakbang papalapit dito at ginawaran ng halik sa labi ang babae. "I have to go," aniya.

"Magkikita na lang tayo mamaya?"

"I don't know. Magiging busy na kasi ako this whole day at baka sa bahay na rin ako matutulog."

"But hon, akala ko ba sasama ka mamaya sa party ni Irish? You told me last night that we will be there, right?"

"Nicca, please. 'Di ba't napag-usapan na natin na hindi lahat ng araw ay magkasama tayo? You know me,ayokong masyadong involve sa ganitong sitwasyon. Kung hindi mo kayang gawin ang gusto kung mangyari sa set up natin, mas mabuti pa sigurong tapusin na lang natin ito."

"Light! Hindi naman natin kailangang maghiwalay. I'm sorry, okay? Hindi na kita pipiliting pumunta sa party ni Irish," napabuntong hiningang sagot nito.

"Alright. So, I have to go," paalam niya at hindi na hinintay ang sagot ng babae. Tuloy-tuloy na siyang lumabas sa pad ng kanyang latest fling na si Niccailla Cheng Chu.

Ganito na ang kanyang buhay. Sa edad niyang twenty six ay nakukuha niya ang lahat ng gusto niya bilang bunso sa magkakapatid na Mondragon. Kilala ang kanilang pamilya sa business world. Meron silang iba't ibang negosyo na silang magkakapatid mismo ang nagpapatakbo. Maaga kasing namatay ang kanilang magulang dahil sa isang trahedya kaya't ang kanilang abuelang si Donya Margarita Mondragon na lamang ang nagpalaki sa kanilang magkakapatid.

Ang panganay niyang kapatid na si Blake ay nakapag-asawa na. Ang kambal naman niyang kuya na sina Rafael at Rossell ay pareho na ring engaged. At siya na lamang ang wala pa ring matinong karelasyon. Ewan nga ba niya pero wala sa bukabularyo niya ang sumeryoso sa isang relasyon. Napagbansagan na nga siya bilang certified playboy ng kanyang mga kaibigan.

Kuntinto na kasi siya sa fling lang. No commitment, no worries, ika nga niya. Kaya sa mganaka-fling niya na lumalagpas na sa ibinibigay niyang limitasyon ay agad siyang nakikipaghiwalay bago pa man siya magkaproblema. Para sa kanya ang tinatawag na happiness ay nasa salitang single. Kaya hangga't single siya ay magpapakasaya siya hanggang sa siya ay magsawa.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon