The Playboy Fall Inlove
By: CatchMe
Chapter 13
KANINA pa walang kibo si Sonia nang lisanin nila ang mall kasama si Light. Kasalukuyan silang nasa kotse ng binata at patungo na sa kanyang apartment. Malalim kasi ang iniisip niya ukol sa nalamang engagement party umano nila ni Leandro na wala siyang kaalam alam sa kagagawan ng kanyang ina. Marahas siyang napahugot ng malalim na hininga at bumuga ng hangin. Na tila ba sa ganoong paraan ay mababawasan ang kalitohang nararamdaman niya.
"Okay ka lang?"
Napalingon siya sa katabing si Light nang magsalita ito. Pilit siyang ngumiti rito bilang sagot at muling iniwas ang paningin mula sa binata.
"Sonia, kung may maitutulong ako sa 'yo, sabihin mo lang. Hindi ako magdadalawang isip para tulungan ka. Just tell me if you need my help, okay?"
Mahinang siyang umiling at muling nilingon ang nagmamanehong si Light. "No, wala ka nang maitutulong sa akin, Light. Alam kong gagawin ni Mama ang lahat para maituloy ang pagpapakasal ko kay Leandro. At iyon ang hindi ko maintindihan kung bakit niya ako gustong mag asawa na. Besides, napakabata ko pa naman para mag-asawa." Muli siyang napabuga ng hangin.
"Of course I have! Kung gusto mo...itatanan na kita para lang hindi ka na pakikialaman ng Mama mo. Just tell me at gagawin ko iyon."
"You what!?" napatawa siya sa sinabi nito.
Siya? Itatanan nito? At ano naman ang pumasok sa isip nito para isipin ang bagay na iyon?
"I'm not kidding!" bulalas nito nang tumawa siya.
"Thanks, but no thanks. Tama na ang pagpapanggap mo na boyfriend kita. Kahit papaano nakatulong ka sa akin. Pero ang magtanan tayo?" muli siyang tumawa. "Light, that's rediculous!"
"Why? What's wrong with that? Natural lang naman sigurong itatanan ng lalaki ang nobya niya kapag pinilit ng ina nito na ipapakasal sa iba ang mahal niya, 'di ba?" lingon nito sa kanya.
"I-I don't know. Maybe yes...b-but...we're not a real couple. At hindi naman kailangang humantong pa sa pagtatanan ang pagpapanggap natin dahil hindi naman talaga tayo."
"Eh, 'di totohanin natin."
"What!?" nabiglang tanong niya. Ni hindi pa niya naiwasang mapaawang ang kanyang labi sa sinabi nito. Nasa tamang pag iisip ba ito para sabihin sa kanya na totohanin nila ang kanilang pagpapanggap?
Oh, my God!
NAPILITANG ihinto ni Light ang minamaneho niyang kotse sa tabi ng daan. Pagkuwa'y hinarap niya ang nabiglang si Sonia sa kanyang suggestion na totohanin na lamang nila ang pagpapanggap nila na magkasintahan sila.
Ewan nga ba niya kung bakit niya nasabi iyon. Siguro tulak na rin iyon ng takot niya sa nalaman kanina na sa ayaw at sa gusto ng babaeng nasa tabi niya ay magpapakasal ito sa lalaking hindi naman nito gusto. Ewan niya! Hindi niya maintindihan ang saraili. Basta ang tanging nasa utak niya sa ngayon ay ang pigilan ang magaganap na kasal sa pagitan nina Sonia at ng lalaking gusto ng ina nito para sa dalaga.
"Sonia..." panimula niya na napasuklay ang kanang kamay sa buhok nito. "I don't know how to explain these to you. But I want you to know that...since I met you-," naputol ang sasabihin sana niya nang magring ang cell phone ni Sonia. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga at sumenyas sa kanya na sasagutin muna nito ang nag-iingay nitong cell phone.
Yumuko siya bilang sagot at mahinang napabuga ng hangin. Tahimik siyang nakaupo habang pinag-iisipan kung paano niya sasabihin at ipaliwanag kay Sonia ang gusto niyang mangyari. Ngunit sandali lang iyon dahil naagaw ang atensyon niya sa pagtaas ng boses nito na tila nabigla ito at hindi makapaniwala sa natanggap na balita.
Kumunot ang noo niya hanggang sa mawala sa kabilang linya ang kausap ng dalaga. Wala sa sariling naibaba nito sa kandungan ang hawak na cell phone.
"Why? What's wrong?" tanong niya na hindi itinago ang pag-alala sa boses niya.
Lumingon ito sa kanya. "We have to go," sabi nito na hindi sinagot ang tanong niya.
Narinig pa niya ang pagbuga nito ng hangin na para bang may mabigat itong dinadala. Malamang masama ang balita na natanggap nito at gusto niya itong tulungan. Gusto niyang alamin iyon pero sa tingin niya ay walang balak ang dalaga na sabihin kung ano iyon. Kaya sinunod na lamang niya ang gusto nito at muling pinaandar ang makina ng kotse niya para ihatid na si Sonia sa bahay nito. And deep inside of him ay nakaramdam siya ng panghihinayang na hindi man lang niya naituloy ang gustong sabihin sa dalaga.
HUMINTO ang sinasakyang kotse nina Sonia na pagmamay-ari ni Light sa harap ng apartment niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya dahil sa natanggap na tawag kanina. Hindi na niya hinintay na pagbuksan ni Light ng pintuan ng kotse at nagmamadali siyang lumabas doon para kumpirmahin ang sinabi ng may-ari ng apartment na tinitirhan niya. Ni hindi man lang niya naalalang kunin ang mga pinamili niya na naiwan sa kotse ni Light na siyang ipinagtataka ng binata.
Dere-derecho siya sa pintuan at gano'n na lamang ang paglaylay ng balikat niya ng may bago ng padlock na nilagay sa pinto. Napahilamos siya ng kanyang palad sa kanyang mukha at napatingala.
"Ma, bakit mo ba ako ginaganito?" nawika niya na hindi napigilan ang pagbasa ng kanyang mga mata.
Ayon sa tawag niyang natanggap kanina mula kay Maya na siyang may-ari ng apartment niya ay pinapasara ng kanyang ina ang apartment niya. Na hindi na niya magagamit ang apartment na iyon hanggang sa hindi magbigay ng pahintulot ang ina niya na pwede na niyang gamitin muli iyon. Palibhasa kasi ay ang ina niya ang nagbabayad sa apartment na tinitirhan niya kaya't wala siyang laban para manatili roon. At alam niya ang dahilan ng ina kung bakit nito iyon pinasara ang tinitirhan niya. Ang bumalik siya sa kanilang bahay.
"Ano 'to? Bakit naka-lock ang pinto mo?"
Napalingon siya kay Light. Salubong ang mga kilay nito na nakatingin sa nakakandadong pintuan ng apartment niya habang nasa kamay nito ang mga pinamili niya.
Napakagat labi siya at napayuko. "My mom," tanging nasambit niya nang muling magtaas ng mukha. "'Pwede bang iwan ko muna sa 'yo ang pinamili ko, Light? Pupuntahan ko lang sana si Mama at wala akong mapag-iwanan ng mga pinamili ko."
"No worries, ihahatid na lang kita."
"No. Hindi mo naman-,"
"Sonia, I insist. Sasamahan kita, okay?" determinadong sabi nito.
Napabuntong hininga na lamang siya at pumayag sa pamimilit ni Light.
Nilisan nila ang kanyang apartment para tungohin ang kanilang bahay kung saan magkasamang nakatira ang Mama niya, step father niya at ang step sister niyang si Shyla. Halos mag-iisang oras ang ibinayahe nila ni Light bago narating ang bahay nila.
Bumaba siya at lumapit sa malaking gate na gawa sa bakal. Huminto siya roon at sandaling tumayo. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Handa na ba siyang harapin ang kanyang ina para pag-usapan ang bagay-bagay na dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan at samaan ng loob?
Bahala na.
Diniinan niya ang door bell at ilang sandali lang ay bumukas ang bakal nilang gate. Surpresa at masayang mukha ni Louelle ang bumungad sa kanya. Ang dalagang katulong nila na malapit sa kanya.
"Ate Sonia, 'buti po at napasyal kayo, kumusta po kayo, Ate?" masayang salubong nito na yumakap pa sa kanyang braso.
"Mabuti naman ako, si Mama ba nandito?" tanong niya kaagad na inilibot ang paningin sa paligid nang tuluyang makapasok sa bahay.
Kasunod niya ang binatang si Light na hindi na niya namalayang nasa likuran na pala niya ito kung hindi niya naramdamang may humawak sa kanyang braso.
Matapos ituro ng katulong nilang si Louelle ang kinaroroonan ng kanyang ina ay sandali siyang nagpaalam kay Light.
"Louelle, ikaw na muna ang bahala kay Sir Light mo," lingon niya sa katulong saka tinungo ang kinaroonan ng kanyang ina na ayon sa katulong nila ay nasa lanai raw umano ito.
BINABASA MO ANG
The Playboy Fall In Love (Complete)
RomanceTHE MONDRAGON BROTHERS The Playboy Fall Inlove By: CatchMe "You told me gagawin mo ang lahat para magkabati na tayo kaya iyon ang gusto kong gawin mo. Ang halikan ako." Teaser Certified Playboy ang tawag kay Light ng kanyang mga kaibigan. Palibhasa...