Chapter 5

8.9K 184 7
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 5

"SONIA FLORES! Sonia Flores...what you've done to me?" mariing sambit ni Light na ikinuyom ang kanyang mga palad dahil sa sobrang pagpipigil ng kanyang galit para sa dalaga. Ipinikit pa niya ang kanyang mga mata at humugot nang malalim na paghinga at ibinuga iyon para mabawasan ang galit na nararamdaman niya.

Napasandal siya sa kanyang swivel chair at sandaling pinakalma ang kanyang sarili. Kakarating lang kasi niya mula sa pakikipagkita sana kay Sonia. Ngunit sa hindi niya malamang kadahilanan ay tinakasan siya nito.

"Hello, Sir, a call from Miss Sonia Flores at line two," boses ng kanyang sekretaryang si Hanna Rakman ang nagpamulat kay Light. Agad niyang dinampot ang teleponong nasa mesa niya.

"Hey! Where the hell are you? And how dare you to runaway from me with my documents?" galit niyang sagot dito.

"Light, I'm sorry for what happened this-,"

"Sorry?" sarkastikong putol niya sa sasabihin pa sana nito. "Miss Flores, alam mo ba kung ano ang tumatakbo sa isipan ko ngayon? Gusto kong ilibing ka ng buhay!" mariin niyang sabi na animoy 'pag nasa harap lang niya ang dalaga ay kanina pa niya binali ang leeg nito.

"Light, hindi ko naman intensyon na umalis kaninang hindi naibigay sa 'yo ang mga dokumento mo, eh. May iniiwasan-,"

"Stop that crap, Miss Flores, dahil wala na akong panahon para makinig sa mga paliwanag mo!" Mataas ang boses na muling putol niya. "You know why? 'Cause you already ruined my litte chance to close that damn deal with the Phoenix Group of Companies!" Napabuga ng hanging wika niya at ilang sanadaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"I'm sorry..." mayamaya ay mahinang sambit nito. "And don't worry, gagawa ako ng paraan para maayos ito," dagdag pa nito na binuntutan nang malalim na buntong hininga. "I'm really sorry."

Ramdam niya ang sensiridad sa boses nito dahilan para lumambot ang kanyang puso. Napapikit na lamang siya at inilagay ang kanang kamay sa kanyang noo sakamahinang iminasahe roon habang nakikinig sa malungkot na boses ng dalaga sa kabilang linya. "Forget it," aniya na lamang.

"No. Alam kong mahalaga sa 'yo ang deal na iyon. Kaya dapat lang na gawan ko ng paraan para-,"

"I said, forget it! Wala ka nang magagawa pa dahil tapos na iyon. At kahit na makipagkita pa tayo kay Mr.Martinez ngayon ay hindi na 'pwede. Dahil malamang ay papunta na sa airport iyon for his trip to Korea."

"Airport? Korea? A-anong oras ang flight niya?"

Napatingin siya sa kanyang wrist watch at quarter to twelve na bago mag tanghaling tapat. Ayon sa sekretarya niya ay alas dos ng hapon ang flight nito papuntang Korea.

"Hey, Light. Nandyan ka pa ba? Anong oras ang flight ni Mr. Martinez?" tanong nito sa kabilang linya.

"Two o'clock. Why?"

"Nothing, sige, may pupuntahan pa ako. Bye."

"Hey, hey, Miss Flores-shit!" mariin niyang sambit nang bigla na lang itong mawala kabilang linya. "That woman makes me crazy!" napasandal na wika niya matapos ibaba ang telepono.

"HEY! KIDDO!"

"Shut up, Blake! And will you please, stop calling me like that 'cause I'm not a kid anymore!" asar na sagot ni Light sa nakakatanda niyang kapatid na si Blake Mondragon nang makasabay niya ito sa pasilyo papuntang conference room.

Mag-aalas singko na ng hapon at nagpatawag ng meeting ang kanilang abuela kasama ang kanyang mga nakakatandang kapatid. At tiyak niyang ang kanyang kapalpakan na naman ang kanilang topic ngayon.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon