The Playboy Fall Inlove
By: CatchMe
EPILOGUE
"CONGRATS Pare, I know na ikaw ang tamang lalaki para kay Sonia."
"Thanks Pare, and you deserve to be my best man," malawak ang ngiting sagot ni Light kay Leandro nang maagaw ang pansin nila pareho nang magsalita ang event organizer na magsisimula na ang wedding march.
Agad silang pumila na dalawa at nang magsimula na ang wedding march naglakad na sila. Pakiramdam niya ay nasa ulap siya at hindi maipaliwanag ang kasayahang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Hanggang sa marating niya ang pinakadulo ng aisle at doon ay magkatabi pa rin sila ng best man niyang si Leandro habang naghihintay naman sa kanyang bride. At ilang sandali lang ay natanaw na niya ang paparating niyang bride na naglalakad sa aisle kasama ang magulang nito.
Mas lalong lumawak ang ngiting gumuhit sa kanyang labi na hindi inaalis ang mga mata sa papalapit niyang bride. Sa isipan niya ay nanumbalik ang una nilang pagkikita ni Sonia at kung paano siya umibig rito na ngayon ay humantong pa sila sa simbahan.
Napangiti pa siya sa naalala at hindi pa rin makapaniwala na ikakasal na siya sa babaeng pinakamamahal niya at makakasama na niya ito habang buhay.
Nang makarating sa harap niya ang kanyang bride ay madamdamin pang nagpasalamat siya sa ina ni Sonia maging sa kinilalang ama nito na mainit din ang pagtanggap sa kanya bilang kabiyak ng puso ni Sonia.
Matapos ang madamdaming eksena nila ng magulang ng kanyang bride ay hinawakan na niya sa kamay ang dalaga at dinala sa altar kung saan ay nakangiting naghihintay ang pare na magkakasal sa kanilang dalawa.
KANINA pa pigil-pigil ni Sonia ang sariling huwag mapaiyak dahil sa sobrang kaligayahan. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na makakasama na niya si Light habang-buhay.
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa ulap at walang pakialam sa paligid dahil ang tanging nasa utak niya ay ang lalaking nilalaman ng kanyang puso na nasa tabi niya't malawak ang ngiti sa labi na nakatitig sa mukha niya.
Ayaw niyang alisin ang mga mata niya sa gwapong mukha ng groom niya na tulad niya ay kitang-kita rin sa mukha ang kasayahan nito. Na para bang hindi rin ito aware sa mga nakapaligid sa kanila at tila silang dalawa lamang ang tao sa loob ng mala-paraisong ayos ng simbahan na dinadarausan ng kasal nilang dalawa.
Nagulat na lamang sila pareho nang tumikhim ang pare na nasa harap nila at inulit ang sinabi nitong 'May you kiss your bride' dahilan para magtawanan ang mga bisita nilang dumalo sa kasal nila ni Light na ngayon ay asawa na niya.
Natawa na rin sila ni Light na sumabay sa tawa ng kanilang mga bisita saka pa ni Light itinaas ang belong nakatakip sa mukha niya at ang dahan-dahang paglapit ng mukha nito sa kanya hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.
Masigabong palakpakan ang pumuno sa simbahan nang maghiwalay ang kanilang labi ng asawa niyang si Light at parehong malawak ang ngiti sa labi na humarap sa lahat.
Nagkikislapan naman ang mga kamerang nakatutok sa kanila habang isa-isa namang nagsilapitan ang kanilang pamilya't kaibigan na binabati sila sa kanilang pag-iisang dibdib.
Hanggang sa muli siyang hinarap ni Light at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. Ang nangingislap nitong mga mata ay nakatitig sa kanya na para bang ayaw nitong mawala siya kaya natawa na lamang siya rito.
"You're now my wife, honey. And I promise that I'll always be here for you, I will care for you and I will love you for the rest of my life..."
"And you are now my husband, honey," sagot niya nang nakangiti pa rin. "I love you and thank you so much for coming into my life and to fulfilled my dreams to live a happily ever after with you. And because of that, you complete me, honey." Dagdag pa niya bago muling inangkin ni Light ang kanyang labi.
Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto na nakalapat ang mga labi nila at hindi na nila ininda ang taong nasa paligid nila na masayang nagpalakpakan muli para sa kanilang dalawa.
WAKAS
-----
Thanks po sa lahat nang nagbasa, votes, nag-fan at nag-comments!
Till next stories! Hahahaha!
Mwaaaaahugs!
BINABASA MO ANG
The Playboy Fall In Love (Complete)
RomanceTHE MONDRAGON BROTHERS The Playboy Fall Inlove By: CatchMe "You told me gagawin mo ang lahat para magkabati na tayo kaya iyon ang gusto kong gawin mo. Ang halikan ako." Teaser Certified Playboy ang tawag kay Light ng kanyang mga kaibigan. Palibhasa...