Chapter 19

7.7K 144 1
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 19

NAKANGITING tiningnan ni Light ang binili niyang bulaklak habang nagmamaneho sa kanyang kotse. Naisip kasi niya na bigyan ng bulaklak si Sonia bilang peace offering niya rito sa nangyari kaninang umaga sa kanila. Hindi kasi sila nag-usap nang maayos kanina at iniiwasan siya ni Sonia dahil malamang sa nangyari sa kanila kanina.

Muli siyang napangiti nang maagaw ang kanyang pansin nang mag-beep ang kanyang cell phone. Agad niyang inabot iyon mula sa dash board at mas lalo siyang napangiti nang makita ang pangalan ni Sonia.

Ngunit unti-unting nawala ang ngiti niya nang malamang wala sa condo niya ang dalaga at may pinuntahan daw ito. Kaya matamlay ang katawang napabuntong-hininga siya na ibinalik ang cell phone sa dash board ng kanyang kotse.

"Hindi bali, mamayang gabi ko na lang ibigay itong bulaklak," na iwika niya nang may kumislap na ideya sa kanyang utak. "Tama!" palatak pa niya at muling ngumiti na animoy excited sa kanyang gagawin.

ABOT-ABOT ang kaba ni Sonia nang marating ang hospital na sinabi ng kapatid niyang si Shyla. Nakatanggap siya kanina ng tawag mula rito at ipinaalam nga nito sa kanya na isinugod sa hospital ang kanilang ina kagabi. Kaya ang sarili niya ang sinisi niya kung bakit na-hospital ang kanilang ina.

Agad niyang nakita ang kapatid niyang si Shyla nang marating ang ICU at laking gulat niya nang salubongin siya nito nang malakas na sampal na halos ikatulig niya. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagbagsak ng mga luha nito.

"How dare you, Ate? How dare you para saktan nang ganito si Mama?" puno nang hinanakit at panunumbat ang boses nito habang lumuluha.

Mas lalo siyang nalito sa ibig nitong sabihin dahil kung tutuusin ay siya ang sinaktan ng kanilang ina dahil sa panghihimasok nito sa personal niyang buhay.

"What are you talking, Shyla? Wala akong ginawang masama kay Mama, in fact siya nga itong nanakit sa akin," aniya.

"Nanakit?" umiling ito na para bang hindi nito matanggap ang sinabi niya. "Ang sabihin mo napaka-selfish mong tao, Ate. Alam mo ba 'yon? Ang selfish mong tao at sarili mo lang ang iniisip mo!"

"Shyla ano ba? Hindi kita naiintindihan at wala akong ginagawang masama para pagsabihan mo ako ng ganyan."

"Wala?" muli itong umiling. "Ang ginawa mo kay Mama ay hindi pa ba sapat para sabihin mong wala kang ginagawang masama, Ate?"

Napahilamos siya sa sarili niyang mukha dahil sa sobrang pagkalito. At kasalanan pa pala niya ngayonkung bakit na-hospital ang kanilang ina?

"I don't know what you are talking about, Shyla. At sa tingin ko ginawa ko lang naman ang tama para sa ikakabuti ko."

"Oo, at sarili mo lang ang iniisip mo!"

"That's not what I mean!"

"Shut up, Ate!"

"Shyla..." nahihirapan ang kalooban na napabuntong hininga siya. "Wala akong ginagawang masama and I'm sorry kung na-hospital man si Mama nang dahil sa akin. Pero inuulit ko, wala akong ginagawang masama."

"No, Ate, ikaw ang dahilan kung bakit nangyari ito kay Mama, kung bakit siya inatake at kung bakit nasa peligro ngayon ang buhay niya! Naririnig mo ba ako? Nasa peligro na ang buhay ni Mama at iyon ay dahil sa iyo!"

"What do you mean?" mas lalo siyang nalito sa sinabi ng kanyang kapatid.

"Simula nang umalis ka sa bahay, alam mo ba kung anong nangyayari kay Mama? Wala kang alam hindi ba? Bakit? Dahil ni minsan hindi ka dumalaw sa kanya, ni hindi mo man lang nagawang kumustahin siya at alamin ang kalagayan niya kung okay lang ba siya? Kung nami-miss ka ba niya o gusto ka niyang makita... Ate, Mama is dying..."

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon