Chapter 12

8.1K 162 2
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 12

KINUHA ni Sonia ang nag-iingay niyang cell phone sa loob ng kanyang bag. Kasalukuyan siyang nasa grocery store pare bumili ng kanyang kakailanganin ngayong linggo sa kanyang bahay. Naubos na kasi ang stocks niya ng pagkain dahil noong isang linggo pa ang huli niyang grocery. Siya kasi ang tipong babae na linggohan kung mamili ng kanyang mga kakailanganin sa bahay dahil sa uri ng kanyang trabaho bilang nobelista. Madalas kasing nakakulong lamang siya sa loob ng kanyang apartment at abala sa sinusulat niyang manuscript sa bago niyang nobela.

Light?

Biglang bumundol na naman ang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib nang mabasa ang pangalan ni Light. Tinatawagan siya nito? Pero bakit? Sandali muna niyang pinakalma ang kabang nararamdaman saka sinagot ang tawag nito.

"Oh, Light, napatawag ka?"

"Busy ka ba ngayon?" tanong nito sa kabilang linya. "Magpapasama sana ako sa 'yo kung hindi ka busy. Kakailanganin ko kasi ang tulong mo," dagdag pa nito.

"Hindi naman, nandito lang ako sa grocery at namimili ng-,"

"'Pwedeng susunduin na lang kita? Tamang-tama at sa mall din ang punta ko. Nasaan ka ba para mapuntahan na lang kita?" biglang tanong nito dahilan nang hindi niya nagawang tapusin ang kanyang sinasabi rito. Napatingin na lamang siya sa kanyang suot na wrist watch. Alas tres pa lang naman ng hapon kaya pumayag na rin siya.

"Sige, ikaw ang bahala," aniya 'tsaka sinabi kung saan siya naroon.

Matapos bayaran ang kanyang pinamili ay tinungo niya ang baggages counter. Iniwan niya roon ang kanyang pinamili at tamang-tama lang nang pagkakuha niya ng kanyang baggage number nang dumating naman si Light.

"You're done?" Tanong nitong nakangiti sa kanya. Hindi tuloy niya napigilang lihim na napasinghap nang lumantad sa kanya ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin. Dagdag pa ang cute na pares ng biloy nito na lumalabas tuwing ngumingiti ito.

"Oo, iniwan ko na muna rito ang pinamili ko. Saka ko na kukunin kapag uuwi na ako," napayukong sagot niya saka muling nag-angat ng mukha at pilit na ngumiti rito.

"I see, c'mon, sa taas muna tayo," hawak nito sa kanyang kamay. Wala naman siyang nagawa kaya napasunod na lamang siya rito. Kahit na pakiramdam niya ay may dumaloy na kuryente sa kanyang mga ugat nang hawakan nito ang kanyang kamay. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling sulyapan ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya habang sabay silang naglalakad na tinungo ang elevator.

Humantong sila sa kilala at mamahaling gadget store na naroon sa naturang mall. Napasunod siya kay Light nang muli nitong hawakan ang kanyang kamay at inaya siya palapit sa estante kung saan ay merong nakahelirang mga laptop.

"What do you think? Ano ang magandang kulay ng laptop ang gusto niyong mga babae?" nakangiting tanong nito sa kanya.

Sandali siyang hindi nakasagot sa tanong nito. Bibili ito ng laptop? Pambabaeng laptop? Kanino naman nito ibibigay ang laptop na bibilhin nito? Panregalo sa babae nito? Napaharap siya sa binata at tiningnan sa mukha. Ewan nga ba niya at tila nasasaktan siya sa kanyang naisip na panreregalo ni Light sa babae ang laptop na bibilhin nito. And to think na siya pa ginawa nitong tagapili para sa panregalo nito sa babae nito.

Eh, ano naman sa 'yo kung mamigay siya ng laptop, Sonia? Ano naman ang karapatan mo para masaktan ka at mag-iinarte ka riyan? Bakit? Boyfriend mo ba si Light?

Atribidang wika ng utak niya.

"Why? Is there something wrong?" nag-iba ang anyong puna ni Light. Hindi nito naitago ang pag-alala sa gwapong mukha nito dahil sa sandali niyang pananahimik.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon