Chapter 21

8.4K 151 3
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 21

TILA nabingi si Light sa malakas na boses ni Sonia dahil sa pagkagulat sa sinabi niya. At sino naman ang hindi magugulat sa kanya, eh, kahit siya nga mismo ay nagulat rin sa lumabas sa labi niya.

Ewan niya pero gustong magrebelde ng puso niya sa nalamang pumapayag na si Sonia sa pagpapakasal sa lalaking inilaan ng ina nito na pakasalan ng dalaga. At iyon ang ayaw niyang mangyari at gagawin niya ang lahat para hindi lang mawala sa kanya si Sonia. Kahit na pakasalan pa niya ito basta't hindi lang ito mapunta sa ibang lalaki dahil ayaw niyang mabigo nang ganoon na lamang ang puso niyang ngayon lang natutong umibig.

"You're kidding me, right?" wika ni Sonia nang makabawi sa pagkabigla.

"Ofcourse, I'm not," aniya na hinawakan muli ang kamay ni Sonia. "Sonia, look, kung gusto ng Mama mo na magpakasal ka na para may mag-aalaga sa 'yo kapag wala na siya, I'm willing to marry you," seryoso ang boses na sabi niya habang hawak ang kamay ng dalaga.

"Light..." Hindi makapaniwala na sambit ni Sonia. "I don't know what you are talking about."

"I'm talking about marrying you, Sonia."

"But why?" nagsalubong ang mga kilay nito na hindi pa rin makapaniwala sa narinig.

"Because I love you! At hindi ako makakapayag na magpakasal ka kay Leandro dahil mahal kita, Sonia. Mahal kita at handa akong pakasalan ka basta't huwag ka lang mawala sa akin," deretsang sagot niya na siyang ikinaawang ng labi ng dalaga.

Kasabay niyon ay ang muling pagbagsak ng masagang luha nito sa hindi niya maintindihan kung ano ang dahilan. Lalo na nang may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso niya na hindi niya kayang ipaliwanag sa mga oras na iyon. At ang tanging magawa lang niya ay hayaan ang sariling ilahad ang tunay na nararamdaman para sa dalaga.

"Sonia, alam kong nagtataka ka kung bakit ko ito sinasabi sa 'yo, siguro dahil ayaw ko lang na mawala ka sa akin. At kahit ang sarili ko ay hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Sonia, ngayon ko lang naranasan ang ganito, ang magmahal ng totoo at iyon ay dahil sa iyo."

"Light, h-how could you say that? Kung tutuusin ang iksi lang ng panahon na isinama natin para sabihin mo sa akin 'yan," mayamaya ay wika ni Sonia na pinunasan ang mga luha.

"Hindi basihan ang maiksing panahon para mahalin kita Sonia, and believe it or not ay may kung anong pakiramdam kang pinukaw dito sa puso ko noong una pa lang kitang nakita. At doon ako nahirapang kilalanin ang kakaibang pakiramdam na iyon na sa 'yo ko langnaranasan. Not until this morning when I kissed you and finally found out that... I am inlove with you."

"Light..."

"Yes, Sonia, and knowing that you're leaving me for marrying Leandro is made my heart turn into pieces. That's why I wanted you to marry me than marrying him." Puno ng emosyon na sabi niya sa hindi makapagsalita na dalaga. Kita sa mukha nito ang samu't saring emosyon na hindi niya kayang bigyan ng pangalan. "Sonia, please, paniwalaan mo naman ang sinabi ko, oh."

"I don't know, nalilito ako Light," napahawak sa noong sagot nito at marahang minamasahe iyon.

"Just say that you'll marry me and everything will be okay."

"Paano magiging okay ang lahat kung nasa binggit ng kamatayan ang Mama ko? And all she wanted me to do ay pakasalan si Leandro!"

"Sonia-,"

"I'm sorry Light, but I think kailangan ko na sigurong umalis ngayon alang-alang kay Mama."

"No!"

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon