Chapter 17

8.5K 156 1
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 17

HINDI mapigilan ni Sonia ang sariling tumawa nang malakas dahil sa inakto ni Light. Para kasi itong bata na pilit na ipinagtatanggol ang sarili mula sa mga nang-aapi rito. At ewan niya kung bakit nag-e-enjoy siyang asarin ito hanggang sa mapuno ang binata dahilan para hindi niya mapigilan ang sariling matawa rito.

Hanggang sa makaramdam siya nang pananakit ng kanyang tagiliran dahil sa kakatawa kaya napilitan siyang tumigil at hindi maalis ang mapang-asar na ngiti sa labi nang harapin muli ang hindi na maipintang mukha ni Light na seryosong nakatitig lamang sa kanya habang mariing nakatikom ang labi nito.

"Para kang bata," natatawa pang sambit niya na ipinagpatuloy ang kanyang pagkain ngunit hindi sumagot si Light sa kanya na seryoso pa rin ang mukha kaya nakunsinsya tuloy siya sa kanyang pagtawa rito. "I'm sorry," napakagat pa sa sariling labi na wika niya at iniyuko ang ulo.

Hanggang sa makaramdam siya nang pagkailang dahil sa katahimikang namagitan sa kanila ng binata na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagawang ipagpatuloy ang pagkain nito.

Inabot niya ang kanyang baso at uminom ng tubig saka tumayo at dinala sa lababo ang kanyang pinagkainan. Hindi kasi niya matiis ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa ni Light lalo na ang tila nakakatunaw nitong mga titig na halos ay hindi na magawang kumurap sa kakatitig sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung nagalit ba ito sa kanya o ano dahil hindi man lang ito nagsalita simula nang tawanan niya.

Sandali siyang nanatili sa lababo at hindi alam ang kanyang gagawin.

Paano kung nagalit nang husto sa kanya si Light at palayasin siya oras mismo sa pamamahay nito? Saan na siya pupulutin kapag nagkataon? Isipin pa ang ayos niya ngayon na kahit sino sigurong makakita sa kanya ay tiyak na gawan siya nang hindi maganda kapag nagpalaboy-laboy siya sa kalsada.

Ikaw kasi Sonia, eh! Paminsan-minsan kasi pigilan mo rin 'yang bunganga mo't nakakainsulto ka na!

Lihim na sisi niya sa kanyang sarili.

Oo nga naman, Sonia, makipagbati ka na nga sa hero ng buhay mo! Isipin mong siya ang nagligtas sa 'yo kung bakit ka ngayon wala sa kalsada!

Sermon naman nang isang bahagi ng utak niya.

Hanggang sa napahugot siya nang malalim at napabuga ng hangin bago bumalik sa mesa at nagulat na lamang siya nang wala na roon ang binata.

"Nasaan na 'yon? Naku! Patay ka Sonia, nagalit na yata sa 'yo si Light. Paano ka na niyan? Baka palayasin ka na niya sa kanyang pamamahay?" napakagat labi na kausap niya sa kanyang sarili kaya napilitan siyang hanapin si Light sa loob ng condo nito.

Nang hindi makita sa sala ay tinungo naman niya ang kwarto at binuksan ang nakasaradong pinto. Doon ay nakita niya si Light na nakatayo sa kanina'y tinatayuan niyang glass sliding window at nakatanaw sa labas. Sa kamay nito ay may hawak ng baso na sa tantiya niya ay alak ang laman niyon na hindi niya alam kung saan man nito kinuha kaya mas lalo siyang nakunsinsya.

"Light..." pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay na dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan nito 'tsaka tumigil ilang hakbang mula sa likuran ng binata. "I'm sorry, hindi ko naman alam na pikon ka pala at madaling magalit. Sorry na, 'di ko na ulit uulitin..." nakangiwing napakagat siya sa kanyang labi nang hindi ito gumalaw para harapin siya kaya nilapitan na niya ito at hinawakan sa braso. "Light naman kasi, eh, sorry na nga 'di ba?" dagdag pa niya na iniharap ang binata sa kanya. "I said I'm sorry, ikaw nga rin naman, ah, binibiro mo naman ako kanina kaya quits na tayo," parang bata pa na ngumiti siya rito pero hindi pa rin siya nito pinansin. "Light ano ba? Ano bang gusto mong gawin ko para magkabati na tayo?"

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon