The Playboy Fall Inlove
By: CatchMe
Chapter 16
NAPABUGA ng hangin si Light nang mawala sa paningin niya si Sonia. Hindi kasi niya inaasahang makita ito sa ganoong ayos dahilan para matigilan siya at pagpawisan ng malapot. At sino ba namang lalaki ang hindi pagpawisan ng malapot kung sa harapan niya ay hindi niya inaasahang mapansin ang pribadong parte ng katawan ng dalaga na halata pa rin kahit may suot pa itong t-shirt.
Napalunok siya muli nang ilang beses at mariing ipinikit ang mga mata, sa isipan niya ay pilit niyang iwinawaksi ang kanyang nakita na naging dahilan na rin nang pagbangon ng kakaibang pakiramdam sa katawan niya.
Muli ay napabuga siya ng hangin saka sinundan si Sonia na nagpatiuna nang pumunta sa kusina. Naabutan niya itong nakaupo na sa silya at hindi makatingin sa kanya habang halata namang hindi ito mapalagay sa kinauupuan nito.
"So, let's eat," aniyang umupo sa kaharap nitong silya at pilit na huwag tapunan ng pansin ang dibdib ng dalaga na pilit naman nitong itinatago. "Oo nga pala Sonia," mayamaya ay sabi niya nang iabot ang kanin sa dalaga. "Siguro napansin mo na mag-isa lang ang kwarto dito sa condo ko at kung okay lang sa'yo na tabi tayong matulog sa kwarto?"
"What?!" napabulalas na tanong nito.
"Bakit?" Balik tanong niya sa dalaga. "Alangan naman na hindi mo ako patutulogin sa sarili kong silid?"
"Ahm... 'di naman sa ganoon, ano lang kasi, eh, ahm..." napakagat sa labing hindi nito naituloy ang sasabihin na iniwas ang tingin sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, kahit na sa iisang silid lang tayo matulog, eh, wala naman akong masamang gawin na hindi mo magugustohan."
"Excuse me, I beg your pardon?"
"Ang sabi ko huwag kang mag-alala dahil wala naman akong gagawin sa 'yo na hindi mo magugustohan."
Malawak ang ngiting ulit niya sa dalaga na namumula na ang mukha. Nagulat pa siya nang bigla na lamang itong tumayo at hindi na maipinta ang maganda nitong mukha na siyang ikinabahala niya.
"You're so-,"
"Hey, I'm just kidding," mabilis niyang agaw sa sasabihin sana nito at para na rin bawiin ang kanyang sinabi. Nag-alala kasi siya at baka tuluyang magalit sa kanya si Sonia at layasan siya bigla. "I'm sorry, nagbibiro lang talaga ako, ang bilis mo namang magalit," nakangisi pang dagdag niya dahilan para mas lalong manliit ang mga mata ni Sonia na nakatingin sa kanya.
"Light, ayoko sanang isipin na niga-grab mo ang opportunity na nasa pamamahay mo ako at wala akong malalapitan kaya mo nagawang biruin ako nang ganyan. Pero sana naman respitohin mo naman ako lalo na sa ganitong sitwasyon na alam kong alam mo na naiilang ako. Maybe, hindi kita masisi na ganoon ang epekto sa 'yo ng ayos ko pero hindi naman siguro rason iyon para biruin mo ako ng ganoon."
"Yeah, I know, binibiro lang naman kita, eh, sorry na, okay? Hindi ko na uulitin, promise."
Itinaas pa niya ang kanang kamay at pinalungkot ang amg mata na para bang sising-sisi siya sa kanyang sinabi rito. At effective naman ang acting niya nang mapabuga ng hangin ang dalaga at kumuha na ng ulan.
Napangiti naman siya na pinagsalinan ng tubig ang baso ng dalaga para huwag na itong mainis sa kanya saka siya maganang kumain habang nakamasid sa tahimik na pagkain ni Sonia.
"Oo nga pala baka sa pangalawa na ako aalis dito, ah? Maghahanap pa kasi ako ng matitirhan ko bukas."
Napaangat siya ng mukha rito na magkasalubong ang dalawang kilay. "Why? I mean, hindi naman kita pinapaalis dito, ah?"
"Mahirap na at baka kung ano pa ang pumasok diyan sa utak mo," nakangusong wika nito na siyang ikinataas ng kanyang kilay.
"Aba, kung makapagsalita ka naman akala mo ganoon na ako kasama, excuse me lang Ms. Sonia Flores, ha? Kahit minsan wala pa akong may pinilit na babae sa tanang buhay ko. In fact, sila pa nga ang humahabol sa akin at nagmamakaawa para lang makipagrelasyon sa akin."
"Aish! Ang laki talaga ng ulo mo!" kontra nito sa sinabi niya.
"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko, ah?"
"Weh? Ang sabihin mo napakababaero mong tao!"
"Babaero?!" nailapag niya ang hawak niyang kutsara't tinidor saka napabuga ng hangin na humarap kay Sonia na tila ba nag-e-enjoy itong tingnan siya na hindi matanggap ang pinagbebentang nito sa kanya.
"Kasalanan ko ba kung habulin ako ng babae? Eh, sadyang gwapo talaga ako kaya maraming nagkakagusto sa akin and you can't blame me for that! Dahil inborn ko na ito," pagtatanggol naman niya sa kanyang sarili nang magulat na lamang siya sa biglang pagtawa nang malakas ng dalaga dahilan para mas lalo siyang maasar dito. "And why the hell are you laughing?"
BINABASA MO ANG
The Playboy Fall In Love (Complete)
RomanceTHE MONDRAGON BROTHERS The Playboy Fall Inlove By: CatchMe "You told me gagawin mo ang lahat para magkabati na tayo kaya iyon ang gusto kong gawin mo. Ang halikan ako." Teaser Certified Playboy ang tawag kay Light ng kanyang mga kaibigan. Palibhasa...