"T-TEKA lang, saan mo ba ako dadalhin, ha? Bitiwan mo nga ako!"
Piglas ni Sonia nang hilahin siya ng lalaki sa braso at pilit na pinapasakay sa kotse nito. Hindi niya maitago ang nararamdamang kaba sa mga oras na iyon sa maaring gawin ng lalaki sa kanya.
Paano na lang kung gagahasain siya nito?
No Hindi pwede. Mamatay muna ako! I swear!
"Ano ba? Bitiwan mo ako sabi! Kapag hindi mo ako binitiwan, sisigaw ako." Pagbabanta niya rito ngunit tila naman walang narinig ang lalaki na pinagpilitan siyang pinapasakay sa kotse nito, kaya mas lalo siyang kinabahan. Lalo na at wala siyang nakikitang mga tao sa labas ng bar na iyon.
Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin, lihim niyang panalangin sabay tulak sa lalaki para tumakbo. Ngunit nakatatlong hakbang pa lamang siya ng muli niyang maramdaman ang marahas nitong paghablot sa kanyang braso dahilan para mas lalong mag-panic ang kanyang utak at magrambolan ang mga daga sa kanyang dibdib.
"Tulong-," hindi niya naituloy ang ginawangpaghingi ng saklolo nang mabilis nitong takpan ang kanyang labi gamit ang kamay nito.
"Subukan mong sumigaw at hahalikan kita," sarkastikong wika nito na tila ba ito pa ang galit samantalang siya na nga ang hina-harass nito. Agad siyang napailing bilang sagot rito na hindi siya sisigaw kaya tinanggal ng lalaki ang kamay nito sa kanyang labi. "Masunorin ka rin pala, eh," Natatawa pa na wika nito. "Now, get in the car."
"A-anong kailangan mo sa akin?" kinakabahan niyang tanong at umatras palayo rito nang ilang hakbang. "At bakit naman ako sasakay sa kotse mo? May plano ka ba na kidnapin ako? Hoy Mister, para ipaalam ko sa 'yo, hindi ako mayaman. Walang pera ang pamilya ko para pantubos sa akin at-,"
"Mukha ba akong kidnaper, Miss?" Tila naaamuse na tanong nito na inilagay pa sa baywang nito ang kanang kamay.
"K-kung hindi ka kidnaper, malamang isa kang rapist! Tama! Isa kang rapist! Pipilitin mo akong pasakayin sa kotse mo at dadalhin mo ako sa isang madilim na kwarto. Tapos gagahasain mo ako at pagkatapos mo akong pagsawaan papatayin mo na ako at itatapon mo ang kawawang katawan ko sa ilog o 'di kaya ay sa bakanteng lote. Oh, diyos ko! Tulungan niyo po ako, ayoko pa pong mamatay at mas lalong ayokong-," hindi na niya nagawang tapusin ang kanyang drama ng bigla na lamang humagalpak ng tawa ang kaharap niyang lalaki. Na tila ba sinasapian ito ng masamang ispirito na hindi niya maintindihan. Baliw ba itong kidnaper slash rapist niya at nagawa pang tumawa sa harapan niya? Pero in fairness, tila musika yata sa kanyang pandinig ang nakakalokang tawa nito. Pakiramdam tuloy niya ay kinikiliti ang kaibuturan ng kanyang puso sa kabila nang pangyayari sa pagitan nila ng kanyang kidnaper slash rapist. Kaya napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib para patigilin ang kiliting bumangon sa kanyang puso.
Teka, ano ba itong nararamdaman niya? Bakit biglang naglaho ang nararamdaman niyang takot at napalitan ng kiliti na hindi niya maipaliwanag ang nasa puso niya?
Okay lang ba ako? O baka pati ako naloka na? Oh,Sonia, umayos ka! Alalahanin mo, nasa panganib ang buhay mo. Kung ako sa 'yo, tumakbo ka na, utos ng kanyang isipan. Tama! Dapat pala akong tumakas!,aniya at akma na muli sanang kumaripas nang takbonang muli siyang hawakan ng lalaki sa braso. Nabasa yata nito ang takbo ng kanyang utak. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako," piksi niya sa tatawa-tawa pa ring lalaki.
"At saan ka naman pupunta, ha? 'Di ba sinabi ko na pumasok ka sa kotse?"
"At bakit naman ako sasakay, ha? Close ba tayo? Besides, wala akong planong sumama sa kidnaper slash rapist slash baliw na lalaking tulad mo!" asar niyang piksi rito.
"I'm what?!" bulalas nito at napatigil sa kakatawa.
"Ay, bingi? Paulit-ulit?"
"Miss, hindi mo ba ako natatandaan?"
BINABASA MO ANG
The Playboy Fall In Love (Complete)
RomanceTHE MONDRAGON BROTHERS The Playboy Fall Inlove By: CatchMe "You told me gagawin mo ang lahat para magkabati na tayo kaya iyon ang gusto kong gawin mo. Ang halikan ako." Teaser Certified Playboy ang tawag kay Light ng kanyang mga kaibigan. Palibhasa...