Chapter 22

7.8K 139 4
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 22

"SONIA!" napabalikwas nang bangon si Light nang magmulat ng mata ay wala na si Sonia sa tabi niya. Bumaba siya sa kama at ginamit ang kumot na pantakip sa hubad niyang katawan at lumabas sa kwarto.

Sumalubong sa kanya ang katahimikan sa loob ng condo niya at ang mesang kabagi'y pinagkainan nila ni Sonia ay malinis na. Maging ang mga platong pinagkainan nila ay nahugasan na at nasa loob na rin ng reef ang sobrang pagkain na hindi na nila nakain kagabi ng dalaga.

"Shit!" nasambit niya nang isara ang refrigerator at bumalik sa kanyang kwarto. "Sonia!" tawag pa niya na tinungo ang banyo at ganoon na lamang pagbagsak ng balikat niya nang walang makitang anino ni Sonia.

Lumapit siya bedside table niya at kinuha ang kanyang cell phone saka tinawagan ang number ni Sonia. Ngunit nadismaya siya nang hindi ma-contact iyon kaya muli niyang inilapag ang cell phone sa bedside table at nagmamadaling pumasok sa banyo para maligo.

MARAHAS na napabuga ng hangin si Light nang hindi pa rin makontak si Sonia. Nasa harap siya ng bahay ng mga ito at kanina pa siyang nag-aabang na makita ang dalaga. Mag-aalas singko na ng hapon pero wala pa rin ito. Kaninang umaga pa siya hindi mapakali at gustong-gusto nang makita si Sonia ngunit wala siyang magawa kundi mag-abang na lamang sa labas ng bahay ng mga ito.

Itinanggi kasi ng katulong ng mga ito na ibigay ang hospital kung saan dinala ang ina ni Sonia kaya wala siyang ka-ide-ideya kung saan ito puntahan.

Napasandal siya sa upuan ng kanyang kotse. Sa isipan niya ay handa pa rin siyang maghintay hanggang sa makita niya si Sonia. Ilang minuto pa lang ang nakalipas nang tumunog ang cell phone niya. Nang makita ang numero ng sekretarya niyang si Hanna ay agad niyang sinagot iyon at ganoon na lamang ang panlulumo niya nang sabihin nitong hinahanap siya ng kanyang abuela. Ibig sabihin kasi, eh, hindi na niya makita ngayong araw si Sonia kaya ayaw man sana niyang umalis sa harap ng bahay ng dalaga ay napilitan siyang lisanin iyon para pumunta sa Golden TRE at humarap sa kanyang abuela.

IT'S BEEN THREE WEEKS nang huling makita ni Sonia si Light. At sa bawat araw na lumipas ay para namang unti-unting namamatay ang puso niya. Miss na miss na kasi niya ang binata na kahit sa panaginip niya ay ang binata ang kanyang nakikita. Gusto na niya itong makita, makasama, makayakap at maramdaman muli ang matamis na labi nito. Pero wala siyang magawa kundi piliting iwaksi sa kanyang isipan ang alaala ng binata.

Dalawang linggo na ring nakalabas ang kanyang mama sa hospital at laking pasalamat nilang mag-anak nang medyo bumuti naman ang lagay ng kanyang ina at sa tulong na rin ng balita niyang pagpayag sa pagpakasal kay Leandro ay siyang ikinatuwa ng kanyang ina. Sabi pa nga nito ay labanan nito ang sakit para makita pa siya nito na naglalakad sa aisle para makipag-isang dibdib kay Leandro.

Ngunit tulad nang sinabi ng doctor ay mahigit dalawang buwan na lamang ang nalalabi ng kanyang ina para mabuhay. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay handa siyang pasayahin ang ina kahit na ang kapalit nito ay ang kanyang pansariling kaligayahan.

"Ate..."

Napalingon siya nang marinig ang boses ng kapatid niyang si Shyla na lumapit sa kinatatayuan niya.

Kasalukuyan kasi siyang nasa veranda ng resthouse ng step-father niya na nasa tabi ng dagat.

"Bakit?"

"Tumawag kasi 'yong modista na nagtahi sa wedding gown mo at ang sabi, eh, tapos na raw tahiin iyon. Pinapapunta lang tayo doon sa kanila para matingnan natin kung magkasya ba iyon sa 'yo o may ipapabago ka pa."

"Ah... okay, magpapalit lang ako ng damit," tanging sagot niya sa kapatid bago pumasok sa kanyang kwarto."

Anim na araw na lang kasi at ikakasal na siya kay Leandro at napagkasunduan nila na dito na rin ganapin sa resthouse ang pag-iisang dibdib nilang dalawa.

Minadali lang lang ahat dahil nga sa sitwasyon ng kanyang Mama at laking pasasalamat niya sa kapatid niyang si Shyla na umakong ito na lang ang mag-aasikaso sa paghahanda ng kasal niya sa tulong ng event organizer na kaibigan nito.

Sa totoo lang kasi, eh, wala rin siyang gana na asikasuhin ang sarili niyang kasal dahil isipin pa lang na papalapit ng papalapit ang kasal niya ay parang unti-unti namang pinapatay ang puso niya.

Madalas ay nagkukulong na lang siya sa kanyang kwarto at lalabas na lang kapag ipinapatawag siya ng kanyang mama. Wala rin naman kasi siyang ganang magsulat dahil na rin siguro sa mood niya na lagi na lang nalulungkot.

Matapos makapagbihis ay lumabas na rin siya sa kanyang kwarto at nagtaka pa siya nang makitang nasa tapat pa rin ng kwarto niya si Shyla.

"Sana sa ibaba mo na ako hinintay," aniya na nagpatiuna nang naglakad ngunit pinigilan siya ng kapatid niya sa braso. "Bakit?"

"Sa likod na lang tayo dumaan, Ate," nakangiwing sagot nito.

"Bakit sa likod pa? Eh, mas malapit nga kapag dito tayo dumaan sa front door."

"Basta, dito na tayo dumaan," pilit nito na hinila na siya sa kanyang braso kaya nagpatianod na lamang siya.

Nagsalubong pa ang kanyang mga kilay nang paglabas nila ng gate ay nakita niya ang isang black 2013 Audi Q5 na nakaparada sa labas ng resthouse nila.

"Kaninong kotse 'to? May bisita ba tayo?" Lingon niya kay Shyla na tanging kibit ng balikat lamang ang isinagot sa kanya at nauna nang sumakay sa kotse nila. "Nandito ba si Leandro, Shyla?" muli niyang tanong sa kapatid nang makasakay na rin siya sa kotse. Wala kasi siyang alam na maging bisita nila maliban na lang kay Leandro na tatlong beses nang nakapunta sa resthouse nila.

"Baka," matipid na sagot ng kanyang kapatid at ini-on na ang makina ng kotse.

Natahimik na lamang siya na hindi na nagtanong pa at sa sarili niya ay lihim siyang nakukunsinsya. Tuwing punta kasi ni Leandro sa kanila ay halos ayaw na niya itong harapin dahil ang makita ang mukha nito ay para na namang tinutusok ng kutsilyo ang kanyang puso sa katutohanang ikakasal na nga siya sa kababata niyang si Leandro.

Inabala niya ang sarili sa pagtanaw sa kanilang dinadaan at hindi man lang tinapunan ng tingin ang kapatid niyang kanina pa nakangiting nakatingin sa kanya.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon