Chapter 4

8.7K 162 1
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 4

NASA harap na ng mataas na gusali ng Phoenix Group of Companies si Sonia bago pa man sumapit ang alas onse ng umaga. Ayon kasi sa usapan nila ni Lightkagabi nang tumawag ito sa kanya ay dito na sila magkikitang dalawa.

Hawak niya sa kanyang mga kamay ang puting folder na naglalaman ng dokumentong kakailangin ni Light.

Napatingin siya sa kanyang suot na white gold wrist watch at napabuntong hininga. "Mag aalas onse na wala pa rin ang lalaking iyon?" kausap niya sa sarili. Sandali pa niyang tiningnan ang hawak na folder at muling napabuntong hininga. Kanina pa kasi siya pabalik-balik nang lakad at sumasakit na ang kanyang paa.

'Ayan, ang sabi kasi sa 'yo ni Light bago mag alas-onse kayo magkikita. Eh anong ginawa mo? Wala pang alas 'dyes nandito ka na! Hindi ka naman excitedmakita si Light ano? Sermon ng utak niya. Hindi ah! Napaaga lang naman ako. Saka iniiwasan ko lang si Mama at baka sugurin ako sa apartment, pagtatanggolnaman niya sa kanyang sarili.

"Ah, bahala na nga. Sa loob ko na lang siya hihintayin," bulong niya at pumasok sa malaki at mataas na gusali.

Inabala niya ang kanyang sarili sa pagmamasid sa paligid para hindi mainip sa paghihitay kay Light. Ilang sandali pa ay sinulyapan na naman niya ang suot niyang wrist watch. "Five minutes before eleven. Darating pa kaya ang lalaking iyon?" tanong niya sa kanyang sarili nang marinig ang pagring ng kanyang cell phone. Agad niyang kinuha iyon at ewan na naman niya at nakaramdam na naman siya ng excitement nang makita ang pangalan ni Light.

Naglinis muna siya ng bara ng kanyang lalamunan bago sinagot ang nag-iingay niyang cell phone. "Hello,"bati niya.

"Where are you?" bungad kaagad nito.

"Malapit lang ako sa information desk, ikaw? Dumating ka na ba?"

"Kakarating ko lang. Stay where you are and I"ll be there in a minute," sagot nito sa kabilang linya.

"Okay," aniya at ini-off na ang kanyang cell phone. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang sarili mula sa glass wall at bahagya pang sinuklay ng kanyang daliri ang mahaba niyang buhok. Saka siya humakbang palapit sa entrance para salubongin si Light.

At bigla pa ang pagsirko ng puso niya nang mamataan niya ito na papasok na sa entrance. At ewan niya at kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi habang nagsisirkonaman ang puso niya dahil sa excitement.

Hanggang sa ang matamis niyang ngiti ay biglang napalis nang tuluyang makapasok sa entrance ng hotel si Light at sa likuran nito ay nakita niyang nakasunod ang kanyang groom to be na si Leandro Buencamino. "Shit! What's on earth is he's doing here?"

TINANGGAL ni Light ang suot niyang shades nang makapasok na sa entrance ng gusali. Nakita kaagad ng kanyang mga mata ang babaeng laman ng utak niya buong magdamag. Ewan nga ba niya at naninibago siya sa kanyang sarili dahil ngayon lang siya nakaramdam ng kakaiba sa isang babae.

'Yong hindi niya maipaliwanag na damdamin na kahit gusto na niyang matulog kagabi ay hindi niya magawa dahil naglalaro sa isipan niya ang naasar na pagmumukha nito nang pagtawanan niya ang dalaga. Inisip na nga lang niya na dahil siguro iyon nasa kamay nito nakasalalay ang kanyang promotion bilang CEO ng Golden TRE Hotel na pagmamay-ari ng kanyang abuela.

Lihim pa siyang napangiti nang masilayan ang maaliwalas nitong mukha at mabilisan niyang pinasadahan ng tingin ang kabuoan nito sa suot nitongwhite long sleeve and fitted black jeans with a two inches white wedge sandal. Bigla pa ang pagkabog ng dibdib niya ng ngumiti ito sa kanya at pakiramdam niya ay naging slow motion ang mga nasa paligid niya na hindi niya maipaliwanag.

Wha hell is wrong with me?

Natanong niya sa kanyang sarili. Pakiramdam kasi niya ay nagiging weirdo na siya na hindi niya maipaliwanag kaya pinilit na lamang niyang iwinaksi iyon at nilapitan ang dalaga. Ngunit nagsalubong ang mga kilay niya nang biglang nawala ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga na napahinto sa pagsalubong sana sa kanya.

Kasabay niyon ay ang panlalaki ng mga mata nito na tila ba nakakita ito ng isang halimaw dahilan para bumalatay ang hindi maipaliwanag na expressions sa magandang mukha nito.

Why? Did I scare her? Okay naman 'tong ayos ko ah?

Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili.

Hanggang sa bigla na lamang itong tumalikod sa kanya at kumaripas ng takbo na animoy hinabol ito ng isang multo. "Hey! What is wrong with you?" habol niya rito ngunit mabilis ang mga hakbang nito palayo sa kanya na para bang tinatakasan siya nito. Pero bakit naman siya nito tatakasan? "Sonia! Ano ba? Bumalik ka nga rito!" tawag niya.

Hindi na niya inalintana kung pinagtitinginan man siya ng mga empleyado ng naturang gusali. Ang importante ay mahabol niya ang dalaga at makuha ang kanyang mga dokumento dahil kapag nagkataong hindi pa niya ma-iclose ang deal na iyon ngayon ay tiyak niyang wala na siyang pag-asa pa para makamit ang pagiging CEO ng hotel ng kanyang abuela. "Hey! Hey! Sonia! Shit!" mura niya nang tuluyang makalabas ito sa back door ng gusali at agad na sumakay sa kakahinto lang na taxi.

Sonia Floresss!!!

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon