Chapter 9

8.5K 135 1
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 9

MATAMANG pinagmamasdan ni Sonia si Light na kausap ang kaibigan nitong si Tristan na lumapit sa kanila dahilan ng sandali nilang pagtigil sa pag-uusap na dalawa.. Hindi pa rin siya makapaniwala na ito mismo ang kusang nagbigay ng tulong para sa kanyang problema.

Napangiti siya sa isiping tatantanan na siya ng kanyang ina na ipakasal kay Leandro oras na ipakilala na niya ng personal si Light bilang boyfriend niya sa ina. Uminom siya ng kanyang orange juice ng may ngiti pa rin sa labi.

"Oppa, nagugutom na ako."

Napaangat siya ng mukha nang may lumapit sa kanilang isang babae na yumakap sa braso ni Tristan. Sa tantiya niya ay nasa edad biente dos pa lamang ito.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako."

Napangiti siya nang pumiksi ang lalaki mula rito na siyang ikinasimangot ng babae.

"Kakakain mo lang sa bahay tapos kakain ka na naman dito?"

​"Ya, Oppa, kunti lang kaya ang ipinakain mo sa akin kanina," nakasimangot na wika ng babae nang bumaling ito sa kanya. "Hi," bati nito.

Napangiti naman siya rito at napayuko.

"Oppa Light, girlfriend mo? Wow! Ang ganda ha," baling naman nito kay Light at muling tumingin sa kanya. "Ako pala si Sandra, ikaw?

​"Sonia," nakangiting sagot niya rito.

"Ah... Ngayon lang kita nakita rito, ikaw na ba ang girlfriend nitong si-,"

​"Hey! Tumahimik ka nga Sandra," awat ni Light na pinanlakihan ng mata ang dalaga saka binalingan ang kaibigan nitong si Tristan. "Pare, ilayo mo nga 'tong alaga mo. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi." Tulak pa nito kay Tristan na tatawa-tawa lang na hinila ang dalaga sa braso. "Huwag mong pansinin ang sinabi ni Sandra." Mayamaya ay wika ni Light.

Napayuko naman siya bilang sagot. "Okay lang," aniyang uminom muli ng kanyang orange juice.

"Oo nga pala, 'yong tungkol sa dokumento, paano mo nagawang i-close ang deal at mapaperma ang Phoenix as a new client of Golden TRE Hotel? You surprised me for that." Si Light na hindi inalis ang mga mata sa kanya.

Nailapag tuloy niya ang hawak na baso bago sumagot dito.

"Ah, nakipagkita ako kay Mr. Martinez bago siya umalis papuntang airport. 'Buti na nga lang at naabutan ko pa siya." Nakangiting paliwanag niya.

"Yeah, and thanks for that. But, I'm still wondering how you closed that deal."

Muli siyang napatawa nang mahina sa sinabi nito. Paano nga ba niya nai-close ang deal na iyon? Napabuntong hininga muna siya bago ikinuwento rito kung paano niya nagawang i-close ang deal between Golden TRE at Phoenix.

KAKARATING lang ni Sonia sa kanyang apartment at agad niya tinungo ang kanyang kwarto. Nakita kaagad niya ang kanyang mga folders kung saan naglalaman ng mga printed na niyang manuscripts na ipapasa sa kaibigan niyang si Ladyshane na kapwa rin niyang nobelista sa Tagalog Romance Etc. Isa-isa niyang tiningnan ang laman ng folders hanggang sa makita niya ang mga dokumentong may pangalan sa taas na Golden TRE Hotel.

"So, ito nga ang dokumentong hinahanap niya?" kausap niya sa sarili na ang tinutukoy ay ang binabawing dokumento ni Light. Ang lalaking nakabanggaan niya kanina sa lobby ng hotel at ang lalaking knigh in shinning armour na sana niya sa bar kanina ngunit nagtransform pa sa isang knight in shinning horror dahil sa maling pag-aakala niyang ipagtatanggol siya ng binata.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon