Chapter 8

8.7K 151 3
                                    

The Playboy Fall Inlove

By: CatchMe

Chapter 8

PUMASOK si Light sa Rockstar Bar and Restaurant na pag mamay-ari ng kaibigan niyang si Jan Carlo. Dito sila madalas nagtitipon-tipon ng mga kaibigan niya tuwing nagkikita sila at itinuring na nila itong hideout na magkakaibigan.

Agad niyang nakita si Sonia na sa isang sulok at umiinom ng orange juice. Dito na rin niya pinapunta ang dalaga nang tumawag ito sa kanya kanina para makipagkita. Marami kasi siyang dapat itanong dito dahil para na rin siyang mababaliw sa kakaisip sa mga pangyayari.

Unang-una, kung paano nito napaperma ang Phoenix Group of Companies nang ganoon kadali. Pangalawa, ang pagpapakilala nito sa kanya sa ina nito bilang boyfriend nito kahit na hindi naman sila ganoon katagal na magkakilala ng dalaga. Dahilan para mapahiya siya sa harap ng maraming tao. At pangatlo ay may gusto siyang siguradohin sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman niya para sa dalaga.

He took a deep breathe bago lumapit sa kinauupuan nito. Agad itong napatayo nang makita siya at tila hindi alam ang gagawin sa harapan niya.

"Kanina ka pa ba?"

"Nope, kakarating ko rin lang," nakayukong sagot nito.

Umupo siya at tinawag ang waitress saka umorder ng kanyang maiinom. "Anong gusto mong kainin?" baling niya rito.

"Huwag na, busog pa naman ako."

Napakibit balikat na lamang siya na binalingan ang waitress. Matapos sabihin ang kanyang order ay sandali itong nagpaalam sa kanila. Tinitigan naman niya si Sonia na tila hindi mapakali sa kinauupuan nito. Napakagat sa sariling labi ang dalaga na siya namang ikinalunok niya ng kanyang laway. Mabilis tuloy bumalik sa isipan niya ang panghahalik nito sa kanya kanina sa hotel.

Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi nang maalala kung gaano kalambot ang labi nito. Ang tamis ng halik nito na tila gusto niyang tikman ulit.

Damn, Light. What the hell are you thinking? Are you crazy, man?

He shook his head para alisin ang mga naglalaro sa isipan niya. He heard her taking a deep breathe at iniwas ang paningin sa kanya.

"Light, tungkol pala kanina, I'm sorry..." muling napakagat-labi ito at pinagsalikop ang mga palad.

"Why did you do that? May gusto ka ba sa akin?"

"What?! Of course not!" mabilis nitong sagot na siyang ikinataas niya ng isa niyang kilay.

"So, what's the meaning of that? Sinabi mong boyfriend mo ako sa harap ng mother mo pero hindi mo naman ako gusto?" mahina siyang napatawa. But deep down inside him ay nakaramdam siya nang pagkadismaya na hindi siya nito gusto. Pakiramdam pa niya ay gustong magreklamo ng kanyang puso.

"I didn't mean it. Bigla ka lang kasing lumitaw sa harapan ko kung saang naipit na ako sa-ahm, I mean, ah basta. Hindi ko sinadyang sabihin na boyfriend kita. I swear." Napataas pa ang kamay na wika nito.

Sandali siyang hindi umimik at tinitigan lamang ito. Nagugulohan kasi siya sa inakto ng dalaga. "I don't understand you, Sonia." Napasandal siya sa kanyang kinauupuan.

"Huwag mo nang intindihin kung hindi mo rin lang naman maintindihan."

"What?! Oh, my God, Sonia, are you insane?" biglang bulalas niya na hindi makapaniwala sa sagot nito. Nababaliw na ba ito?

"Hindi, ah! Sinasabi ko lang na huwag mo nang intindihin-,"

"At paano ko naman maiintindihan kung hindi mo ipapaliwanag sa akin? Hindi mo ba alam kung gaano kalaking kahihiyan ang binigay mo kanina sa akin? Nang dahil sa 'yo napahiya ako sa harap ng mga empleyado ko. Kaya kailangan ko ng magandang paliwanag mula sa 'yo at nang maintindihan ko ang lahat ng mga nanagyari." Napabuga siya ng hangin na hindi inalis ang paningin sa dalaga.

The Playboy Fall In Love  (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon